December 13, 2025

Home BALITA Internasyonal

Konsulado, kinumpirmang ligtas na 92 OFWs matapos ang malaking sunog sa HK

Konsulado, kinumpirmang ligtas na 92 OFWs matapos ang malaking sunog sa HK
Photo courtesy: Philippine Consulate General in Hong Kong (FB), AP Photo/Chan Long Hei via MB

Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Hong Kong na 92 OFWs (Overseas Filipino Workers) na ang kasalukuyang ligtas matapos ang naging malaking sunog sa Wang Fuk Court kamakailan. 

“The Consulate General has confirmed that of all the Filipino nationals, concerned, 92 are safe and accounted for,” saad ng Konsulado nitong Martes, Disyembre 2. 

Binanggit din na dalawa sa bilang na ito, na una’y nailista para sa beripikasyon ay natagpuan na at napag-alamang nasa Pilipinas na nang sumiklab ang sunog. 

“The last two OFWs listed for verification have been found to be already in the Philippines when the fire broke out. All Filipinos who likely worked at the Wang Fuk Court residential complex are all accounted for,” saad ng Konsulado. 

Internasyonal

Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

Nailathala rin ng ahensya na may isang sugatan at patuloy na nagpapagaling sa ospital at may isang namatay dahil sa trahedya. 

Sa kaugnay na ulat, ang nasabing OFW na patuloy na nagre-recover sa ospital ay kinilalang si Rhodora Alcaraz, na bagong salta pa lamang sa Hong Kong nang mangyari ang sunog sa Tai Po district noong Miyerkules, Nobyembre 26.

Kung saan, natagpuan siya ng rescuers na mahigpit na nakayakap sa sanggol para protektahan ito sa makapal na usok. 

MAKI-BALITA: OFW sa Hong Kong kinilala sa katapangan, niligtas alagang sanggol sa sunog

Habang ang nasawi naman ay kinilalang si Maryan Pascual Esteban, na dalawang araw bago ang sunog, ay plano pang umuwi sa Pilipinas, sa Disyembre 16 para dito magdiwang ng Pasko. 

Sean Antonio/BALITA