December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Kim Chiu, kinasuhan ang sisteret!

Kim Chiu, kinasuhan ang sisteret!
Photo Courtesy: MJ Felipe (FB), via MB

Nagsampa ng kaso si “It’s Showtime” host Kim Chiu laban sa kapatid niyang si Lakambini Chiu dahil sa isyu ng umano’y financial discrepancies sa negosyo.

Sa eksklusibong ulat ng ABS-CBN News nitong Martes, Disyembre 2, tumungo umano si Kim sa Office of the Assistant City Prosecutor sa Quezon City kasama ang legal counsels niyang sina Xylene Dolor at Archernar Gregana.

Ito ay para isumite ang kaniyang sworn statement kabilang na ang mga ebidensiya at iba pang dokumento kaugnay sa kaso.

“Today, nag-file si Kim ng criminal case against Lakambini Chiu. We filed a criminal complaint for qualified theft. That’s all we can share for now,” saad ni Dolor.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Samantala, mas pinili naman ng legal counsel ni Kim na hindi na banggitin pa kung aling negosyo nina Kim at Lakambini ang nagkaroon ng isyu ng financial discrepancies. 

Ani Dolor, “Right now I am not authorized to name the business but I think fans would know kung ano po 'yung business ventures na she shared with Miss Lakambini Chiu.”

Matatandaang ilang buwan na ang nakalilipas simula nang lumutang ang tungkol sa isyung ito ng magkapatid sa negosyo. 

Sa katunayan, sa isang episode ng “Showbiz Now Na” noong Agosto, tinalakay ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin ang tungkol dito.

“Ang lumalabas ngayon, binigyan daw po ng pamuhunan itong si Lakam. Binigyan ni Kim Chiu. Pero no’ng tumatakbo na ang negosyo, nalaman niya, bagsak. Sasampung libo na lang ang natira sa binigay niyang puhunan,” anang showbiz columnist.