December 12, 2025

Home BALITA National

‘Kain cup noodles!’ Kiko Barzaga, planong tumira sa karton matapos patawan ng 60 araw suspensyon sa Kamara?

‘Kain cup noodles!’ Kiko Barzaga, planong tumira sa karton matapos patawan ng 60 araw suspensyon sa Kamara?
Photo courtesy: Kiko Barzaga (FB), MB FILE PHOTO

Tila plano raw tumira sa karton sa labas ng kaniyang bahay at kumain ng noodles ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga matapos ang pagsuspinde sa kaniya nang 60 araw sa Kamara. 

Ayon sa panayam ng One News kay Barzaga noong Lunes, Disyembre 1, tila pabirong sinabi ng congressman na plano raw niyang matulog sa karton sa labas ng kaniyang bahay dahil wala na siyang suweldo at pambayad sa renta. 

“Since I have no salary, I wouldn’t be able to pay rent,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “So I'll be in a cardboard box outside my house and then I eat and sleep there.” 

National

Palasyo, itinangging pang-optics, propaganda lang ang Anti-Dynasty bill

Ani Barzaga, kailangan na rin umano niyang kumain ng cup noodles araw-araw dahil wala na siyang pera. 

“And since I don’t have a salary, I no longer have money so I have to eat cup noodles everyday now,” aniya. 

Samantala, nasaad din ni Barzaga sa parehong panayam na handa rin daw siya kahit ikulong o “ipapatay” para lang mapatahimik. 

“More than that. I am even ready to face imprisonment or assasination. If [President Bongbong] Marcos wants to silence me then the surest way to do it is to do the same thing his father did to Ninoy Aquino which is you have to kill me if you want me to be quiet,” pagdidiin niya. 

Matatandaang sinupalpal ng Kamara si Barzaga matapos siyang suspendehin ng 60 araw nang walang suweldo noong Lunes, Disyembre 1, base sa rekomendasyon ng House ethics committee.

MAKI-BALITA: 'Guilty sa ethics complaint!' Kiko Barzaga, 60 araw suspendido, wala ring suweldo

Sa plenary session, binasa ni 4Ps Rep. JC Abalos ang findings ng komite na nagsasabing nagkasala si Barzaga ng disorderly behavior dahil sa umano’y hindi angkop at bastos na mga post at larawan sa kaniyang social media accounts.

Umabot sa 249 kongresista ang bumoto pabor sa suspensyon, habang 11 ang nag-abstain at 5 ang kumontra.

MAKI-BALITA: Hamon ni Ogie kay Kiko: Pangalanan politicians na malinis, walang dungis ng korapsyon

MAKI-BALITA: Barzaga, ginagamit pangalan ni PBBM para magpakalat ng disimpormasyon—Palasyo

Mc Vincent Mirabuna/Balita