Pinapakanta ni showbiz insider Ogie Diaz si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga para isiwat kung sino-sino ang mga politikong malilinis at walang dungis ng katiwalian.
Sa isang shared post kasi Ogie nitong Martes, Disyembre 2, ibinahagi niya ang Facebook status ni Barzaga na direktang tumutuligsa kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
“President Marcos is too corrupt, there is no more hope for our country, The Republic of Mindanao is the only solution left to save the people! #IkulongSiMarcos,” saad ni Barzaga.
Pero bwelta ng showbiz insider, “So kung malinis ka, Cong, sino pa yung kaya mong ipagmalaki na malinis at walang bahid ng korapsyon?”
Hindi naman tumugon ang kongresista sa tanong na ito ni Ogie.
Kasalukuyang nahaharap sa 60 araw na suspensyon si Barzaga matapos mahatulang guilty sa inihaing ethics complaint laban sa kaniya.
Maki-Balita: 'Guilty sa ethics complaint!' Kiko Barzaga, 60 araw suspendido, wala ring suweldo
Bagama’t tinanggap niya ang hatol ng mga kapuwa niya mambabatas, patuloy niya pa ring iginiit na dapat umanong bumaba sa posisyon ang pangulo.