Natanong ang Kapamilya star na si Gerald Anderson tungkol sa love life niya sa paparating na 2026, matapos ang media conference para sa pelikulang "Rekonek" na kabilang sa official entry ng 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN News kay Gerald, agad na sumagot si Gerald kung pagtutuunan ba niya ng pansin ang pag-ibig o pakikipagrelasyon sa paparating na taon.
"I don't think so, I don't think so. I think, ang main focus right now is building sa professional career ko, and building sa personal life," sagot niya.
"Tryong to be... just to... absorb muna. And kapag naghahanap ka ng love life, hindi darating 'yan. Darating lang 'yan," sundot pa ni Gerald.
Matatandaang naglabas ng opisyal na pahayag ang talent arm management nina Gerald at ex-girlfriend na si Julia Barretto noong Setyembre hinggil sa kumpirmasyong hiwalay na silang dalawa, matapos ang ilang taong pagsasama bilang magjowa.
Kaugnay na Balita: Gerald Anderson at Julia Barretto, kumpirmadong hiwalay na!—Star Magic
Balik-pelikula nga si Gerald para sa MMFF, at katatapos lang ng pinagbidahan niyang teleseryeng "Sin of the Father" sa ABS-CBN.