Nagulantang ang mga netizen sa pumutok na balitang sinampahan ng kasong qualified theft ni Kapamilya TV host-actress Kim Chiu ang nakatatandang kapatid na si Lakambini "Lakam" Chiu nitong Martes, Disyembre 2.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nagsadya si Kim sa Office of the Assistant City Prosecutor sa Quezon City kasama ang mga abogadong sina Xylene Dolor at Archernar Gregana upang isumite ang sinumpaang salaysay gayundin ang mga ebidensya at iba pang dokumento kaugnay sa kaso.
Ang nabanggit na kaso ay nag-ugat umano sa "financial discrepancies" sa negosyo ng aktres kung saan bahagi rin si Lakam.
Kung pagbabatayan ang Revised Penal Code, tumutukoy ang qualified theft sa pagnanakaw at pagsira sa tiwala ng iba, lalo na ang pinagnakawan.
Ayon pa sa abogado ni Kim, ilang beses daw silang nakipag-ugnayan sa kampo ni Lakam upang ayusin nang pribado ang isyu, subalit wala umano silang narinig mula rito, kaya humantong sa ganitong pagsasampa ng kaso, labag man sa kalooban ni Kim.
Kaugnay na Balita: Kim Chiu, kinasuhan ang sisteret!
CLOSENESS NG MAGKAPATID NA KIM AT LAKAM CHIU
Bagama't hindi showbiz person si Lakam, nakilala siya ng mga tao dahil ipinakikita ng Kapamilya star ang pagiging malapit niya sa kaniyang mga kapatid, lalo na sa kaniya.
Si Lakam ang panganay sa magkakapatid at matagal nang katuwang ni Kim sa paglalakbay niya sa showbiz. May tatlo pang kapatid sina Kim at Lakam; sina Wendolyn, William, at John Paul, na malapit din sa kaniya.
Sa paglipas ng mga taon, tila hindi mapaghiwalay ang dalawa at minsan pa nga’y tinawag ni Kim ang kaniyang ate bilang “number one critic," "number one fan," at "superwoman" sa buhay niya; noong 2020, sa kasagsagan ng pandemya, sinorpresa ni Kim ang kaniyang ate sa pamamagitan ng isang simpleng birthday celebration.
"It may be a different birthday for you this year, I know it is hard these past few days. We can do this together. We gained another angel in heaven. Especially you na pilangga kaayo ka ni ama," ani Kim sa kaniyang Instagram post.
"Achi, thank you is not enough for everything that you do for us, especially for me. We’ve been on this journey together from the start. Thank you for sticking by my side and not leaving me—most of all, for thinking for me when I don’t want to think anymore."
"Being my shield and protector, for always being the first one to pick me up every time I almost fall. Thank you for giving me hope. Thank you for being the pillar of our family! We are strong because of you!!!" mababasa pa sa caption ng Instagram post ni Kim.
PAGKAKASAKIT NI LAKAM
Noong 2023, naospital si Lakam dahil sa hindi isiniwalat na karamdaman at kritikal ang lagay nito sa unang limang araw. Mabuti na lamang at bumuti ang kaniyang kondisyon, bagaman kinailangan ng pamilya Chiu na gumawa ng mabigat na desisyon nang hindi tiyak kung makaliligtas ang kanilang panganay.
Noon ding panahong iyon, humiling si Kim ng dasal para sa agarang paggaling ng kapatid.
“Kung may hihingin man akong regalo sa inyo ngayon yun ay prayers para sa ate Lakam ko. Everything happened in a snap of a finger. She is my strength, and now the word strength becomes blurry. Please pray for her recovery,” saad pa ni Kim.
Noong 2024, ibinahagi naman ni Kim sa vlog ni celebrity doctor Dra. Vicki Belo ang naging life-changing moment sa nangyari kay Lakam, matapos nitong gumaling mula sa pagka-comatose.
Dito, sinabi ni Kim na ang naging diagnosis ng doktor kay Lakam ay bacterial meningitis.
Para kay Kim, isang milagro ang nangyari sa kaniyang ate, matapos nitong gumaling.
APPRECIATION POST NI LAKAM
Noong Abril 30, 2025, nakapag-appreciation post pa si Lakam sa kaniyang kapatid na si Kim sa birthday nito.
Mababasa sa Instagram post, "Loving you unconditionally is something right I have done in my lifetime."
"Having you as my sister is one of the greatest blessings I have ever received... May you continue to inspire us with your incomparable talent, dedication, pure heart and positivity."
"You never fail to make us proud in so many ways.. Thank you so much for being you- our forever Chinita Princess @chinitaprincess Happy Birthday!"
Tugon naman ni Kim na mababasa sa comment section ng post, "Hala! Dami kong pic sis!!!! love u sissy marie sooo much. thank you also for being the best sissy in the world!!!"
Noong Hunyo 16 naman, magkasama pa sina Kim at Lakam, parang okay pa ang magkapatid dahil napagdiwang pa nila ang Father's Day kasama ang tatay nilang si William Chiu.
ISYU NG TIWALA, PERA AT SUGAL
Bandang Agosto, tinalakay ng showbiz insider na si Cristy Fermin sa "Showbiz Now Na" ang umano'y tungkol sa hindi pagkakaunawaan nina Kim at Lakam.
Tungkol umano sa negosyo ang puno't dulo ng umano'y hindi pagkakaunawaan.
"Ang lumalabas ngayon, binigyan daw po ng pamuhunan itong si Lakam. Binigyan ni Kim Chiu. Pero no'ng tumatakbo na ang negosyo, nalaman niya, bagsak. Sasampung libo na lang ang natira sa binigay niyang puhunan," bahagi ng pahayag ng showbiz insider.
Saad naman ng co-host ni Cristy na si Wendell Alvarez, umano'y napagkikita rin si Lakam sa isang casino at sinasabing umano'y nalulong sa sugal ang nakatatandang kapatid ng TV host-actress. Inakala pa nga raw ng ilan na mismong si Kim ang nakikita niya sa nabanggit na sugalan.
Napag-usapan din nila na umano'y ang asawa ni Lakam, na siyang unang naka-"grand" o nakakuha ng grand prize sa casino, ang siya umanong nakaimpluwensiya kay Lakam para pasukin na rin ang pagsusugal.
Dito rin, napag-usapan din ng hosts ang umano'y natuklasan ni Kim na tila hindi raw nababayaran ang properties na kinukuha niya.
Napansin din ng mga netizen na tila nag-unfollowan sa isa't isa sina Kim at Lakam sa kani-kanilang Instagram accounts.
Sa ulat ng PEP, napansin daw ng mga marites na netizens ang tungkol dito matapos mag-post si Kim ng life update sa kaniyang Instagram noong Agosto 4, 2025.
Makikita rito ang isang video kung saan makikitang nagre-relax siya kasama ang kapatid niyang si Twinkle at ang asawa nitong si Carlo Suarez. Nasa loob sila ng isang bahay, at makikita rin ang mga pamangkin.
Caption ni Kim, "Alt+F4ing reality for a sec. It's been a ride lately, not the fun kind." Ang “Alt+F4” ay kilalang keyboard shortcut sa Windows na ginagamit para isara ang isang application window sa laptop.
Dagdag pa sa caption, "Didn’t expect it. Didn’t prepare for it. Just needed this moment to breathe."
Batay rito, napagtagni ng mga netizen na mukhang may pinagdaraanan si Kim, at naiugnay nga nila ito sa mga pumutok na chika tungkol sa kanila ng Ate Lakam niya.
Hinangad ng mga netizen na magkaayos ang magkapatid.
DEMANDA NI KIM LABAN SA ATE LAKAM NIYA
At nito ngang Disyembre 2, mukhang seryoso na nga ang alitan sa pagitan ng magkapatid, dahil sa pagsasampa ng kaso ni Kim laban kay Lakam.
Mababasa sa opisyal na pahayag ni Kim, "I am issuing this statement with a heavy heart and with deep respect for the truth and for the people who have supported me throughout my career and my business journey."
"After careful consideration and months of internal review, I have made the difficult decision to file a legal case for qualified theft against my sister, Lakambini Chiu, in relation to serious financial discrepancies discovered within my business operations."
"This decision did not come easily. It is one of the most painful steps I have ever taken in my life."
"As many know, I built my business ventures — with hard work, passion, and trust in the people I love."
"Unfortunately, substantial amounts connected to my business assets were found missing."
"These discoveries forced me to take formal action to protect not just my company, but also the livelihoods of the people who work with me and the integrity of everything I have built."
"This is a private family matter that has now become a legal process."
"I am choosing transparency, responsibility, and accountability — not only for myself, but also for the brand and community that has supported me from the beginning."
"I ask for understanding, respect, as our family navigates this very difficult chapter. I am hopeful that through the proper legal channels, clarity and fairness will prevail."
"Despite this painful situation, I remain committed to my work, my supporters, and the continued growth of my business ventures."
"I also continue to pray for healing and resolution for everyone involved," aniya pa.
Marami naman sa mga netizen ang nabigla at nalungkot sa balitang ito, lalo't magpapasko pa naman.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Lakam tungkol sa isyu at kasong isinampa laban sa kaniya ng sariling kapatid. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.