Sumagot ang Malacañang sa pangangaladkad ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga sa pangalan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kaugnay sa 60 araw niyang suspensyon matapos mahatulang guilty sa inihaing ethics complaint laban sa kaniya.
Maki-Balita: 'Guilty sa ethics complaint!' Kiko Barzaga, 60 araw suspendido, wala ring suweldo
Matatandaang pinalalabas umano ni Barzaga na ang pagsuspinde sa kaniya ay bunga ng pagiging kritikal niya sa administrasyon ng pangulo.
Ngunit ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro sa isinagawang press briefing nitong Martes, Disyembre 2, ginagamit lang umano ni Barazaga ang pangalan ni Marcos, Jr. upang magkalat ng disimpormasyon.
Aniya, “Unang-una po, 'yong mga lewd photos na kaniyang pinost, hindi naman po kasama ang pangulo no'ng ito ay kaniyang ginagawa. Hindi naman kasama ang pangulo noong ito ay pinost.”
“At ‘yong sinasabi niyang mga diumanong disinformation laban sa AFP,” pagpapatuloy niya, “hindi rin po yata kasama ang pangulo sa kaniyang mga diumano’y disinformation.”
“So, sa ating nakikita rito, ginagamit lang ang pangalan ni Pangulong Marcos, Jr. para ma-justify ang kaniyang mga ginagawang disinformation,” dugtong pa ni Castro.
Naisalehitimo ang suspensyon ni Barzaga sa Kamara matapos pumabor ang 249 kongresista samantalang 11 naman ang nag-abstain at 5 ang kumontra.
Maki-Balita: 5 Kongresista, kumontra sa suspensyon ni Rep. Kiko Barzaga, sino-sino sila?