Muling dinala sa ospital ang komedyanteng si Gil Morales o mas kilala bilang Ate Gay matapos siyang makaranas ng matinding side effect ng kaniyang radiation therapy laban sa cancer.
Ayon sa kaniyang latest Facebook post, ngayon lang lumabas ang epekto ng gamutan at sobrang tindi raw nito, hindi siya makakain dahil sa dagsa ng singaw at sugat sa bibig, dahilan para kailanganin niyang ma-confine.
"Late na ako nakaranas ng side effect .. di makakain dahil sa daming singaw ng bibig ko kaya nagpaconfine..48hrs yan nakatusok sa akin yan muna Ang paraan ng pagpapakain," saad ni Ate Gay.
Noong Nobyembre 27, sinabi ni Ate Gay na "graduate" o tapos na siya sa pagsasailalim sa radiation at chemo therapy.
"Graduate na ako sa 35days radiation at chemo .. papataba muna ako masyado ako pumayat huhu," aniya.
Bandang Nobyembre 4, sinabi ni Ate Gay na nakakakain na siya at may gana na siyang kumain ulit.
“[N]ow nakakain na ng bongga. [G]raduate na ako sa chemo. 15 days radiation na lang then immunoTherapy (12 sessions every 21 days),” aniya.
Kaugnay na Balita: 'Hindi na nagduduwal, may panlasa na ulit!' Ate Gay, graduate na sa chemotherapy
Kaugnay na Balita: Bukol sa leeg ni Ate Gay, mabilis ang pagliit: 'In 3 days, 10cm naging 8.5!'
Matatandaang nagkaroon si Ate Gay ng malaking bukol sa kaniyang kanang leeg, at sa tulong ng isang fan, naging libre lamang ang gamutan sa kaniya sa isang ospital, gayundin ang accommodation niya sa isang condo unit, para malapit lang siya sa ospital kung saan siya nagpapagamot.