December 13, 2025

Home BALITA Internasyonal

18 anyos na HS student, natagpuang patay matapos kumalat larawan niyang nagnanakaw umano ng ice cream

18 anyos na HS student, natagpuang patay matapos kumalat larawan niyang nagnanakaw umano ng ice cream
Photo courtesy: Unsplash

Natagpuang patay sa kaniyang tahanan ang isang 18-anyos na babaeng high school student matapos kumalat ang mga larawan niyang nagnanakaw umano ng ice cream sa isang tindahan. 

Ayon sa Korean news outlets, namatay ang teenager na kinilala bilang “Lee Yang” dahil sa extreme stress at anxiety, ilang araw matapos ang naging mabilis na pagkalat ng CCTV stills niyang nagnanakaw umano ng ice cream sa isang tindahan malapit sa eskwelahan nito sa Hongseong, Chungcheongnam-do, South Korea. 

Base rin sa mga ulat, nagpadala pa ng ilang text messages si Lee sa mga kaibigan niya tungkol sa nararamdamang pagkabalisa dahil sa pagkalat ng mga litrato niya sa rehiyon nila. 

Ayon pa raw sa kapatid ni Lee, gabi bago ito magpatiwakal, plano ng kanilang ina na kausapin ang may-ari ng tindahan ng ice cream para ayusin ang sitwasyon. 

Internasyonal

Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

Sa kasawiang palad, natagpuan na nila itong patay noong umaga. 

Dahil dito, nagsampa na ng kaso ang pamilya ni Lee sa nasabing tindahan dahil sa paglabag nito sa batas nilang Personal Information Protection Act and the Act on Promotion of Information and Communications Network Utilization. 

Inakusahan din ng pamilya ang study room na nagpakalat ng mga litrato ni Lee, dahil sa paglabag ng kanilang batas hinggil sa information communication.

Ang naging pangyayaring ito ay nagbukas ng debate sa K-netizens kung tama ba ang paglalabas ng “unblurred” CCTV images ng shoplifters na nahuhuli sa mga tindahan. 

Saad naman ng ilang negosyante rito na dahil madalas silang target ng mga pagnanakaw, ang exposure ng mga gumagawa nito ang natatanging paraan para magbigay babala. 

Sa kasalukuyan, nasa ilalim na ng imbestigasyon ng kanilang kapulisan ang pagkalat ng mga litrato at ang mga ibinatong alegasyon ng pamilya ni Lee. 

Sean Antonio/BALITA