Ipinaalala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa hukbong sandatahan ng Pilipinas na sa pagsusuot nila ng kanilang ranggo, ang katapatan nila ay dapat para sa republika ng Pilipinas, at hindi sa kahit kaninong indibidwal o grupo.
“Today marks the new chapter in your lives as new officers of the Armed Forces of the Philippines, after months of training, discipline, and sacrifice, you now assume the responsibility of defending our country and serving our people,” saad ni PBBM sa Joint Graduation Ceremony ng AFP, Philippine Air Force (PAF) Kahimdaliyan Class 2025, Philippine Navy (PN) Sagmaraya Class 2025, at Philippine Army (PA) Bumannawag Class 2025, nitong Lunes, Disyembre 1.
Bilang mga bagong opisyales, binanggit ni PBBM na ang kanilang tagumpay ay hindi nasusukat sa dami ng kanilang medalya, ngunit kung paano nila napaglilingkuran ang kapwa nila Pinoy.
Idinagdag rin ng Pangulo na parte ng kanilang responsibilidad na patuloy ipaglaban ang soberanya ng bansa sa West Philippines Sea (WPS) at karapatan ng mga mangingisdang Pinoy dito.
“Alam kong mabigat ang panahon ngayon. The world is changing fast, these changes can create new risks for our country. As such, we must continue to defend our rights in the West Philippine Sea where our fishermen and our soldiers stand their ground on these growing challenges,” mariing saad ni PBBM.
“We will stay vigilant against any attempt to weaken our sovereignty or test our resolve. This is why your training will matter even more. You are now part of a new generation of soldiers who must think fast, act smart, work closely with other, whether within our ranks or partners abroad,” dagdag pa niya.
Sa awtoridad na kaakibat ng kanilang mga responsibilidad at ranggo, ipinaalala ni PBBM na ang katapatan nilang sinumpaan ay para lamang sa republika ng Pilipinas, at hindi sa kahit sino o ano mang kaugnayan sa politiko.
“The AFP that you are part of now must always rise above politics. Your loyalty must not be for any individual or any faction, but only to the republic,” malinaw na paalala ng Pangulo.
Bilang Commander-in-Chief, tiniyak ni PBBM na mananatiling totoo ang pamahalaan sa pagbubuo ng makabagong hukbong sandatahan at mas pinabuting sistema para sa disaster response.
“As your Commander-in-Chief, I promise that this government remains committed to building a modern and professional armed force. We continue to invest in radar systems, ships, aircrafts, and facilities [that] will strengthen our deterrence and improve disaster response,” saad ni PBBM.
Sa kasalukuyan din daw pinagbubuti ng pamahalaan ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa tulad ng Japan, US, at Australia, para patuloy na maprotektahan ang kapayapaan ng Pilipinas.
Sa pagtatapos ng kaniyang talumpati, muli, ay pinaalalahanan niya ang mga bagong opisyales ng hukbong sandatahan ng bansa na piliin ang tama sa kahit anong gagawin nila hindi lang para pamilya nila, kung hindi maging sa buong bansa.
“Corruption and dishonesty can manifest in any forms, kaya piliin niyo lagi ang tama, piliin niyo ang bayan, piliin ninyo ang katapatan at kapayapaan. Tandaan ninyo na ang tagumpay niyo ay tagumpay ng bawat Pilipino, na umaasang ligtas, payapa, at maunlad ang ating bansa,” saad ni PBBM.
Sean Antonio/BALITA