Sa pagpasok ng Disyembre, may bagong month-long challege na naghihintay para sa mga lalaki matapos ang buwan ng Nobyembre.
Ang challenge na ito ay walang iba kundi ang Destroy Dick December na kabaligtaran umano ng No Nut November.
Basahin: Kakasa ka ba, bawal magbate sa buong Nobyembre?
Ibig sabihin, tapos na ang isang buwang pagtitis mula sa hamon na umiwas sa tukso at makamundong gawain. Panahon naman para sa walang palyang pagbabate.
Pinaniniwalaang nagsimula ang naturang challenge noong 2017 bilang tugon sa No Nut November para hikayatin anng kalalakihan na tumodo sa sexual activities—pagbabate man ito o pakikipagtalik.
Walang malalim na kahulugan kung bakit ginagawa ang Destroy Dick December maliban sa binabalanse lang umano nito ang isang buwang restriksyon sa pagsasarili na dulot ng No Nut November.
Pero bago patulan ang hamon na ito, mahalagang tandaan na bagama’t may mga benepisyo sa katawan ang pagbabate, may mga panganib din itong kaakibat.
Ayon sa isang artikulo ng Men’s Health, natuklasan umano sa isang pag-aaral noong 2004 na ang mga lalaki raw na “nagsasariling-sikap” ng 21 beses kada buwan ay bumababa ng 33% ang posibilidad na magkaroon ng prostate cancer kumpara sa mga “nagsasariling-sikap” ng 4 hanggang 7 lang beses kada buwan.
Ngunit gaya ng madalas na sinasabi, masama ang lahat ng sobra.
Sa isang panayam ng One PH noong Pebrero 2021, sinabi ni Dr. Jondi Flavier na dalawa lang naman ang kadalasang indikasyon para masabing sobra na ang pagbabate.
“Una, ‘pag kinabukasan ay hirap mong gawin ang mga dapat mong inaasikaso o ang iyong trabaho. Baka sobra na ang pagsasalsal mo sa gabi,” anang doktor.
Dagdag pa niya: “Pangalawa, ‘yong pakikitungo mo sa iba. Kasi kung sariling-sikap na lang ang ginagawa mo, hindi ka na nakikitungo sa iba baka may problema na ‘yan.”
Kaya kung ikinokosidera ang pakikipagwasakan ng ratbu ngayong Disyembre, magbate pa rin nang responsable.
Basahin: ALAMIN: Pagbabate nang 21 beses kada buwan, makakatulong iwasan ang prostate cancer?