December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Wag na ipilit!' Aiko bumanat ulit sa DTI, bet imbitahan si Roque sa Noche Buena

'Wag na ipilit!' Aiko bumanat ulit sa DTI, bet imbitahan si Roque sa Noche Buena
Photo courtesy: via MB/Cristina Alaguer-Roque/FB

Muling umapela ang aktres at Quezon City 5th District Councilor na si Aiko Melendez sa Department of Trade and Industry (DTI) matapos igiit ng ahensiya na maaari umanong pagkasyahin ang ₱500 para sa isang Noche Buena package sa isang pamilyang may apat na miyembro, ayon kay DTI Sec. Cristina Roque.

Matatandaang umani ng kritisismo ang unang pahayag ni Roque tungkol sa budget na ₱500 para makabili ng mga ihahanda sa Noche Buena, na pagsasalu-saluhan sa Christmas eve.

"Kung tutuusin, [sa] ₱500 makakabili na kayo ng ham. Makakagawa ka na ng macaroni salad, makakagawa ka na rin ng spaghetti, depende rin po ‘yan kung ilan ‘yong taong kakain,” ani Roque.

Kalaunan, noong Biyernes, Nobyembre 28, agad siyang kumambyo at sinabing para ito sa isang pamilyang may apat na miyembro.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

"Kasya ang ₱500 but it depends on the number of family members. Usually ang family members na kasya itong ₱500 is mom, dad, and two children," kambyo pa niya.

“But again the Noche Buena celebration would depend on the number of family members or even extended relatives that would be joining the Noche Buena celebration,” giit pa niya.

Sa kaniyang unang post, diretsahang nagbigay ng komento si Aiko tungkol sa naunang pahayag ni Roque at ng DTI.

"₱500 Noche Buena package?!!! Saan po makakabili niyan? Wag n’yo pong insultuhin ang mga Pilipino. Naku po. Queso de Bola? Holen size po ba ito?” mababasa sa post niya.

Kaugnay na Balita: Aiko 'nabanas' sa ₱500 Noche Buena package: 'Wag n’yo insultuhin mga Pilipino!'

Matapos ang pagkambyo ni Roque, muling binanatan ni Melendez ang DTI at sinabing dapat nang tigilan ang pagpupumilit na sapat ang naturang halaga para sa hapag-Pasko ng mga Pilipino.

Ayon sa kaniya, kung naninindigan ang DTI na kasya ang ₱500, ay handa umano silang anyayahan ang ahensiya sa kanilang Noche Buena upang “magkaalaman” kung posible nga ito.

"Good AM po Happy Monday! DTI wag ninyo na po ipilit na kasya ang 500 pesos para sa noche buena package kung ayaw mo mdam Ipasagot sa inyo ang pang noche buena nameng mga Pilipino."

Hirit pa ng aktres-politician, tila willing siyang imbitahan si Sec. Roque sa salusalo para magkaalaman kung talaga bang magkakasya ang nabanggit na halaga, pambili ng mga handa sa Noche Buena. 

"At iimbitahan ka po namen ahh mam sa salo salo sa namen. Ng magka alaman po kung kasya ahhh," saad ni Aiko sa post niya nitong Lunes, Disyembre 1.

Photo courtesy: Screenshot from Aiko Melendez/FB

Umani ng suporta mula sa netizens ang aktres, na sinabing hindi na umano makatotohanan ang halagang ₱500 lalo na’t tumaas ang presyo ng hamon, queso de bola, pasta at iba pang panghanda.

Samantala, wala pang bagong tugon ang DTI o maging si Sec. Roque hinggil sa panibagong banat ni Melendez.