January 25, 2026

Home BALITA

Rep. Barzaga 'di nagpunta sa mga rally ng Nov. 30: 'Chill computer gaming muna!'

Rep. Barzaga 'di nagpunta sa mga rally ng Nov. 30: 'Chill computer gaming muna!'

Idinaan ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga sa isang Facebook post ang dahilan niya sa hindi pakikiisa sa anti-corruption rally na naganap sa EDSA People Power Monument at Luneta Park noong Linggo, Nobyembre 30, 2025.Sa kaniyang FB post noong Linggi, iginiit ng kongresista na magco-coumputer game lang daw muna siya.

“Di ako pupunta sa rally ngayon, chill computer gaming posa muna si Congressmeow mweheheh,” saad ni Bazraga.

Matatandaang isa si Barzaga sa ilang miyembro ng House of Representatives na aktibong tumutuligsa sa pamahalaan bunsod ng malawakang isyu ng korapsyon kaugnay ng maanomalyang flood control projects.

Katunayan, minsan na niyang pinangunahan ang isang protesta sa harapan ng Forbes Park kung nasaan ang bahay nina dating House Speaker Martin Romualdez at dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co—na pawang mga itinuturong nasa likod ng naturang maanomalyang proyekto.

Probinsya

Higit 5k security personnel, idineploy para matiyak kaligtasan sa ASEAN Summit

KAUGNAY NA BALITA: Anti-Marcos protest! Barzaga papasukin bahay nina Romualdez, Co sa Forbes Park

Habang noong magkasa rin ng tatlong araw na kilos-protesta ang Iglesia ni Cristo (INC) ay nakiisa rin si Barzaga at parehong nagtungo sa EDSA People Power Monument at Quirino Grandstand.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Nilaglag ka na ni Zaldy Co, bye-bye ka na!' banat ni Rep. Barzaga kay PBBM