December 13, 2025

Home SHOWBIZ

'Puwede naman pala!' Edu Manzano sinabing swak na ₱500 para sa Noche Buena, pero anong taon?

'Puwede naman pala!' Edu Manzano sinabing swak na ₱500 para sa Noche Buena, pero anong taon?
Photo courtesy: Edu Manzano/FB, MB


Humirit ang batikang aktor na si Edu Manzano hinggil sa usaping ang ₱500 ay sapat na upang makapaghanda ang pamilyang Pilipino sa darating na Noche Buena.

Aniya, puwede naman daw pala ito, pero noong taong 1993.

“Pwede naman pala!!! 1993 nga lang,” saad ni Edu sa kaniyang social media post noong Linggo, Nobyembre 30.

Kalakip ng naturang post ang isang lumang resibo na inisyu noon pang Disyembre 24, 1993.

Makikita rin sa resibo ang mga pangkaraniwang binibili ng mga Pilipino para sa kanilang noche buena, tulad ng Christmas Ham, Quezo de bola, spaghetti pasta, sauce, hotdog, cheese, at iba pa.

Photo courtesy: Edu Manzano/IG

Hindi naman napigilan ng netizens na ibigay ang kanilang sentimyento at komento hinggil sa ibinahaging post ng aktor.

“Sakto!”

“Sabi ko na nga ba eh..She's talking about prices 3 decades ago..jusko!!!!”

“That’s our iconic supermarket here in Bacolod City!”

“Pwedr man gyapon nang 500 Sor.. depende sa imo baklon.. inang nakalista dira para na sa mga damo arte.. simple lang bala”

“Hahaha sa Lopues Araneta pa ni Sir Edu:) grabe barato lang queso de bola sang una sa Lopues ba:)”

“Cguro ang 500p na yan from 1993 ngayon is 5000 peso na para sa Noche Buena”

“Honestly ang tingin ko dito sa na 500 pesos Noche Buena statement ni DTI Sec ay Isa lang sa mga issue na ginawa para pagtakpan ang mga issues Ngayon sa Gobyerno..panglito ulit sa mga tao”

Matatandaang nanindigan kamakailan ang kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) na si Sec. Cristina Roque na sapat na raw ang ₱500 upang makapaghanda ang mga Pilipino para sa kanilang Noche Buena.

“Kung tutuusin, [sa] ₱500 makakabili na kayo ng ham. Makakagawa ka na ng macaroni salad, makakagawa ka na rin ng spaghetti, depende rin po ‘yan kung ilan ‘yong taong kakain,” saad ni Roque.

MAKI-BALITA: ₱500, sapat na pang-Noche Buena! –DTI-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA