Tila pabirong pinigilan ng netizens ang kamakailang pagbabahagi ng Kapamilya star at “It’s Showtime” host na si Anne Curtis-Smith na isa raw sa pinangarap niyang makamit ang birit ng American singer-songwriter at actress na si Ariana Grande.
Ayon ito sa ni-repost ni Anne sa kaniyang “X” account nitong Lunes, Disyembre 1, kung saan mapapanood ang video ni Ariana habang binibirit niya ang kanta ng Canadian singer at songwriter na si The Weeknd na “Save Your Tears.”
“Isa sa pinapangarap Kong boses,” mababasa sa caption ng repost ni Anne.
Photo courtesy: Anne Curtis-Smith (X)
Dahil dito, umani agad ng samo’t saring reaksyon mula sa mga tagasuporta ni Anne ang naturang niyang pahayag tungkol sa pagkanta ni Ariana.
Anila, kuntento na raw sila sa boses ni Anne at kahit hindi na na niya pangarapin ang level ni Ariana.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa nasabing post ni Anne:
“Kahit wag na poooooo. Minahal ka namin sa boses mooooo hahahaha”
“Naku dyosa Anne, kaya mo naman yan. Napupuno mo nga ang Araneta eh. Kaya lang lagi ka kasing kumakanta ng live. Bat di mo gayahin yung iba na nagcoconcert na mas malakas pa yung Back Track.”
“Okay na kami sa boses mo. di kaya ni Ariana yan.”
“Ok n kmi sa Boses mo Lods, Pinaghirapan mo yan”
“Mas gusto namin Boses mo te”
“Di naman nalalayo ms anne”
“Libre lang naman mangarap, Ma. Ok na to.”
“Konting practice pa”
Samantala, hindi naman na naglabas ng bagong pahayag si Anne kaugnay sa mga naging komentong ng kaniyang supporters.
MAKI-BALITA: Kakasa kaya? Aljur Abrenica, pinapa-collab kay Anne Curtis
MAKI-BALITA: Anne nakingitngit sa netizen kontra kurakot: 'Bawat pisong ninakaw, kapalit ay buhay!'
Mc Vincent Mirabuna/Balita