December 12, 2025

Home BALITA

‘Mukhang serbisyo pero drawing!’ ₱500 Noche Buena, simbolo ng administrasyon ni PBBM—Pulong

‘Mukhang serbisyo pero drawing!’ ₱500 Noche Buena, simbolo ng administrasyon ni PBBM—Pulong
Photo Courtesy: via MB

Naghayag ng reaksiyon si Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte kaugnay sa nirerekomendang ₱500 na budget ng pamahalaan para sa noche buena.

Sa latest Facebook post ni Pulong nitong Lunes, Disyembre 1, sinabihan niyang wala umanong ideya si Palace Press Officer at Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro sa totoong hirap ng taumbayan.

“Busog kasi kayo—hindi sa pagmamahal sa bayan—kundi busog sa korapsyon, kaya hindi niyo na alam magkano ang bili sa palengke,” saad ni Pulong.

Dagdag pa niya, “₱500 Noche Buena? Madam, kahit ‘yung ham na kasing nipis ng konsensya ng grupo niyo, hindi na ‘yan kasya.”

DSWD Sec. Gatchalian, may alok na ₱100K pabuya sa makakapagturo ng salarin sa asong pinutulan ng dila

Kaya naman hinamon ng kongresista si Castro kasama ang iba pang bahagi ng pamahalaan, na subukan munang mamili sa tindahan sa kanto.

Aniya, “Next time, bago kayo mag-defend ng ganyang klasing insulto sa sambayanan, try niyong mag-grocery challenge sa tindahan sa kanto. Doon niyo mararamdaman ang tunay na presyo ng buhay—hindi ‘yung presyo sa mundo niyong puro press release.

Sa huli, ang ₱500 Noche Buena narrative ninyo magiging simbolo ng uri ng leadership na meron kayo:

mukhang ham pero puro mantika, mukhang queso pero hangin ang laman, at mukhang serbisyo pero drawing lang,” dugtong pa ni Pulong.

Matatandaang dinepensahan ni Castro kamakailan ang ₱500 na mungkahi ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa panghanda sa Pasko.

“Kung magko-compute ako, kung bibili ako ng isang kilo na ham na mumurahin, hindi 'yong may brand, puwede. Ham lang,” saad ng undersecretary matapos tanungin kung kasya ba ang nasabing halaga.

Kaugnay na Balita: ₱500, sapat na pang-Noche Buena! –DTI