Nauwi sa pamamaril ang insidente ng pang-aagaw umano ng kanta sa videoke sa isang bar sa Tagum City, Davao del Norte.
Nangyari ang pamamaril noong Linggo, Nobyembre 30 matapos umanong mapikon ang grupo ng suspek sa pang-aagaw ng biktima ng kanilang mga videoke entry.
Ayon sa ulat ng pulisya, mismong ang waitress daw ng naturang bar and nakasaksi sa krimen. Sinasabing kapuwa nag-iinuman ang grupo ng suspek at biktima na nagkainitan dahil sa videoke.
Hindi nagtagal ay lumapit na raw ang suspek sa puwesto ng biktima at saka bumunot ng baril at pinaputok ito sa mukhang biktima.
Mabilis namang naitakbo sa Davao Regional Medical Center ang biktima. Narekober ng mga awtoridad sa mula sa crime scene ang .45 na basyo ng bala ng baril.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na kasalukuyan na rin umanong nagtatago.