December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Kiray Celis, nilinaw na ‘di pa kasal: ‘Akala n’yo kasal na kami no?’

Kiray Celis, nilinaw na ‘di pa kasal: ‘Akala n’yo kasal na kami no?’
Photo Courtesy: Kiray Celis (FB)

Nagbigay ng paglilinaw ang komedyanteng si Kiray Celis matapos akalain ng publiko na kasal na sila ng long-time boyfriend niyang si Stephan Estophia.

Sa isang Facebook post noong Linggo, Nobyembre 30, sinabi niya na para lang umano sa music video ang wedding photos nila ni Stephan kamakailan.

“Akala niyo kasal na kami no? Para sa Music video ito ni baby Kryzl! Eto yung original song niya na dedicated samin ng kuya tepan niya at sa lahat ng nagmamahal,” saad ni Kiray.

Dagdag pa niya, “Thank you dito baby! Excited nako mapanuod ang full video sa dec 2! Ngayon palang, CONGRATS na! ”

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

Ang music video na tinutukoy ni Kiray ay para sa original song na “Kayong Dalawa Lang” ni Kryzl Jorge, na isang 9-year-old CEO at founder ng Purple Hearts.

Ngunit hindi pa rin mababago ang katotohanang enagaged na ang dalawa. Matatandaang inalok ni Stephan ng kasal si Kiray noong Abril.

Maki-Balita: Kiray Celis, hagulgol sa proposal ng boyfie

In fact, base sa eksklusibong panayam ng PUSH ABS-CBN kamakailan, pinaghahandaan na raw nila ang kanilang pag-iisang-dibdib.

 "Akala ko madaling ikasal. Akala ko madaling magplano. Ang hirap! Grabe. Kaya, ang ikli ng — hindi ko pa puwedeng i-share kung kailan — pero sobrang hirap kasi months lang ‘yong preparations ko,” anang komedyante.