December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Kakasa ba?' Susan Enriquez humirit, bet paturo kay DTI Sec. Roque mamalengke

'Kakasa ba?' Susan Enriquez humirit, bet paturo kay DTI Sec. Roque mamalengke
Photo courtesy: Screenshot from GMA Public Affairs (YT)/Cristina Alaguer-Roque (FB)

Kinaaliwan ng mga netizen ang hirit ni "Unang Hirit" host at GMA newscaster Susan Enriquez para kay Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Cristina Roque, kaugnay sa pamamalengke ng pang-Noche Buena sa halagang ₱500.

Sa Facebook post ni Enriquez nitong Lunes, Disyembre 1, tila may hirit si Enriquez kay Roque tungkol sa pagsama niya ritong mamalengke para magpaturo sa tamang pagba-budget, para mapagkasya ang nabanggit na halaga ng pera para makabili ng mga ihahanda sa Noche Buena, sa gabi ng Pasko.

"Gusto ko sana makasama sa palengke si dti sec cristina roque para magpaturo ng pwedeng mga bilhin sa pallengke na pang noche buena sa budget na 500 pesos," saad ni Susan.

"Pwede po ba secretary?" segunda pa niya.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Photo courtesy: Screenshot from Susan Enriquez/FB

Matatandaang nauna nang kinuyog ng kritisismo ang mga sinabi ni Roque na kasya ang nabanggit na halaga ng budget sa Noche Buena.

"Kung tutuusin, [sa] ₱500 makakabili na kayo ng ham. Makakagawa ka na ng macaroni salad, makakagawa ka na rin ng spaghetti, depende rin po ‘yan kung ilan ‘yong taong kakain,” ani Roque.

Kalaunan, agad siyang kumambyo at sinabing para ito sa isang pamilyang may apat na miyembro.

"Kasya ang ₱500 but it depends on the number of family members. Usually ang family members na kasya itong ₱500 is mom, dad, and two children," kambyo pa niya.

“But again the Noche Buena celebration would depend on the number of family members or even extended relatives that would be joining the Noche Buena celebration,” giit niya.

Kaugnay na Balita: 'Depende sa dami ng miyembro ng pamilya!' DTI Sec. Roque, nagpaliwanag sa '₱500 Noche Buena'