December 12, 2025

Home BALITA National

'Guilty sa ethics complaint!' Kiko Barzaga, 60 araw suspendido, wala ring suweldo

'Guilty sa ethics complaint!' Kiko Barzaga, 60 araw suspendido, wala ring suweldo

Sinupalpal ng Kamara si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga matapos siyang suspendehin ng 60 araw nang walang suweldo nitong Lunes, Disyembre 1, base sa rekomendasyon ng House ethics committee.

Sa plenary session, binasa ni 4Ps Rep. JC Abalos ang findings ng komite na nagsasabing nagkasala si Barzaga ng disorderly behavior dahil sa umano’y hindi angkop at bastos na mga post at larawan sa kaniyang social media accounts.

Umabot sa 249 kongresista ang bumoto pabor sa suspensiyon, habang 11 ang nag-abstain at 5 ang kumontra.

Nagsimula ang reklamo nang maghain ng ethics complaint laban sa batang mambabatas ang ilang miyembro ng National Unity Party (NUP).

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Ayon sa komite, ang mga ginawa ni Barzaga ay “imposing incendiary social media contents on his Facebook accounts and retaining and failing to remove publicly-viewable inappropriate and indecent photos to be unparliamentary and unbecoming of a House member."

"His actions reflected negatively upon the dignity, integrity, and reputation of the House of Representatives as an institution of the members of the House individually and collectively,” saad ni Abalos, sa binasang desisyon sa plenaryo, na may 27 bilang ng pahina.

 “Respondent’s reckless, offensive, and irresponsible use of his social media platform tarnishes the name, integrity, and reputation of the House of Representatives,” dagdag pa. 

Inutusan din ng Kamara si Barzaga na burahin ang lahat ng 24 kontrobersiyal na posts sa loob ng 24 oras.

Nagbabala pa ang ethics committee na mas mabigat na parusa ang kahihinatnan sakaling maulit ang kaparehong asal.

Samantala, iginiit ni Barzaga na handa siyang tumanggap ng anumang desisyon, pero nanindigang hindi niya sinuway ang code of conduct ng Kamara.

Tinatanggap niya umano ang hatol sa kaniya subalit ipinaggiitan niyang kailangan daw bumaba sa puwesto si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Habang nagsasalita ay napaulat na pinatayan din ng mikropono ang mambabatas.

Inirerekomendang balita