January 24, 2026

Home BALITA National

DFA, DILG, Ombudsman, DOJ sanib-pwersa na para mabilis matimbog si Zaldy Co

DFA, DILG, Ombudsman, DOJ sanib-pwersa na para mabilis matimbog si Zaldy Co
Photo courtesy: DFA (FB), DILG (FB), Office of the Ombudsman (FB), DOJ (FB), MB FILE PHOTO

Nagtutulungan umano ang mga ahensya ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of the Interior and Local Government (DILG), Office of the Ombudsman (OM), at Department of Justice (DOJ) para mapabilis na ang pagtugis kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa labas ng bansa. 

Ayon sa isinagawang press briefing ng Presidential Communication Office (PCO) nitong Lunes, Disyembre 1, sinabi ni DILG Sec. Jonvic Remulla na nagkaroon na raw ng “group work” ang mga nasabing ahensya para sa paghuli kay Co. 

“Meron naman [group effort]. It is a whole government approach to get Zaldy Co,” pagsisimula niya.  

Dagdag pa niya, “The DFA, DILG, Ombudsman, DOJ are all working together in order to get a satisfying outcome in repatriation of Zaldy Co back to the Philippines.” 

National

Zaldy Co, kailangan munang umuwi ng bansa kung nais tumestigo vs PBBM—Rep. Luistro

Ani Remulla, sinabi niyang dapat daw na ang DFA ang manguna sa pagtutulungan ng mga nasabing ahensya. 

“To what those measures are, I cannot speak of it yet but I think when it comes to repatriation, the DFA should be the lead,” saad niya. 

“Sila dapat ang magsabi kung ano ang gagawin,” paglilinaw pa niya. 

Pagbabahagi pa ni Remulla, pagkakaalam daw niyang kanselado na ang pasaporte ni Co ngunit batid umano nila maaaring may posibilidad na hawak na dalawang pasaporte ang dating mambabatas. 

“Pagkakaalam ko na-cancel na ‘yong passport niya… pero again, we believed he holds two passports, e. Not only a visa but two passports so do’n ‘yong may complication tayo nang kaunti,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, sa parehong press briefing, nauna na ring makiusap ni Remulla sa mga Pilipino na kunan ng larawan si Co sakali mang na maispatan nila ito sa ibang bansa. 

MAKI-BALITA: 'I-post agad!' SILG Jonvic, nakiusap na ibalandra sa socmed si Zaldy Co 'pag naispatan

“Nakikiusap kami sa lahat ng Pilipino sa buong mundo na na kung makikita nila si Zaldy Co, kung puwede nilang picturan, ipadala kaagad, i-post agad sa internet,” pagsisimula niya. 

“Para may ideya tayo kung nasaan siya,” paglilinaw pa niya.

Ani Remulla, may hinala raw sila ngayon na sa bansang Portugal naninirahan si Co. 

“Sa ngayon, ang hinala namin ay nasa Portugal siya. Doon po siya naninirahan,” aniya.

MAKI-BALITA: Bilang ng mga nagprotesta sa Metro Manila, 'di lalampas sa 20,000—DILG Sec. Remulla

MAKI-BALITA: ‘Mugshot, malapit na!’ Sec. Dizon, kumpiyansang liliit na mundo ni Zaldy Co

Mc Vincent Mirabuna/Balita