Nagpasalamat ang lokal na pamahalaan ng Cebu sa Davao Oriental government matapos itong mag-donate ng ₱1 milyong assistance para sa probinsya.
Sa ibinahaging social media post ng Cebu Province nitong Lunes, Disyembre 1, ang naturang donasyon ay ipinaabot ng Davao Oriental para sa mga naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad sa probinsya.
“Davao Oriental, under the leadership of Governor Nelson ‘Boy’ Dayanghirang, has reached out to Cebu with a ₱1-million donation to bolster the province’s recovery and rehabilitation efforts after recent calamities,” saad ng Cebu Province sa kanilang social media post.
“Provincial Board Member Jimboy Dayanghirang personally handed the check to Cebu Governor Pamela Baricuatro during a brief visit to the Capitol on Monday, December 1, accompanied by Francis Jason Bendulo of the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office,” dagdag pa nila.
Nagpasalamat si Gov. Baricuatro sa naturang tulong ng Davao Oriental, na aniya’y isang paalala na ang “compassion” at “solidarity” ay walang kinikilalang “political boundaries.”
“Daghang salamat, Davao Oriental, for standing with Cebu in its time of rebuilding,” pagtatapos nila.
Photo courtesy: Cebu Province/FB
Matatandaang nakatanggap din kamakailan ng tulong ang lalawigan ng Cebu mula sa Davao City, sa Chinese Consulate ng Cebu, at maging sa Province of Fujian sa China, para sa mga Cebuanong apektado ng sunod-sunod na kalamidad na tumama sa kanilang probinsya.
KAUGNAY NA BALITA: 'Daghang salamat, Davao City!' Cebu, nagpasalamat sa tulong ng Davao City LGU-Balita
MAKI-BALITA: Chinese Consulate, nag-donate ng ₱10.5M sa Cebu hospitals para sa mga biktima ng lindol-Balita
MAKI-BALITA: Cebu Province, nakatanggap ng 30 modular homes mula sa Fujian, China-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA