December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Anne sa pagkulong sa mga kurakot: 'I can't believe it's taking this long, what a joke!'

Anne sa pagkulong sa mga kurakot: 'I can't believe it's taking this long, what a joke!'
Photo courtesy: Anne Curtis, Angat Buhay (FB)

Tila inip na si "It's Showtime" host at Kapamilya star na si Anne Curtis-Heussaff na mapanagot ang mga kurakot, kaugnay ng maanomalyang flood control projects.

Ibinahagi ni Anne ang post ng "Angat Buhay" page hinggil sa paglahok nila sa Trillion Peso March na isinagawa noong Linggo, Nobyembre 30, sa EDSA People Power Monument sa Quezon City, kasabay ng paggunita sa Bonifacio Day.

Mababasa sa caption ng post ng Angat Buhay na foundation na itinatag ng dating Vice President at kasalukuyang Naga City Mayor na si Leni Robredo, "TRILLION PESO MARCH. Kasama ang Angat Bayanihan Volunteer Network, muli tayong nagmartsa upang manindigan para sa integridad at pananagutan sa pamahalaan. Lahat ng sangkot, dapat managot!"

Mababasa naman sa text caption ni Anne, "IKULONG NA ANG MGA KURAKOT. I CAN'T BELIEVE IT'S TAKING THIS LONG! WHAT A JOKE!" aniya.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Photo courtesy: Screenshot from Anne Curtis/IG

Matatandaang isa si Anne sa mga celebrity na aktibong nagpapahayag ng kanilang saloobin hinggil sa mga nangyayaring isyu sa lipunan.