December 13, 2025

Home FEATURES

ALAMIN: Paano ka pinoprotektahan ng PrEP at condom kontra HIV at AIDS?

ALAMIN: Paano ka pinoprotektahan ng PrEP at condom kontra HIV at AIDS?
Photo courtesy: Unsplash


Ayon sa World Health Organization (WHO), isa pa rin sa mga pangunahing health issue na kinahaharap ng mundo ngayon ay ang Human immunodeficiency virus (HIV), na magpasahanggang ngayon ay wala pa ring gamot. Ngunit kahit wala man itong lunas, mayroon namang “preventive measures” na pupuwedeng gawin upang ito ay hindi lumama.

Sa kasamaang palad, kapag ang HIV ay lumala o hindi naagapan, ito ay tutungo sa “most advanced stage of infection” nito na tinatawag na Acquired immunodeficiency syndrome (AIDS), na hanggang ngayon ay wala ring lunas.

Tuwing Disyembre 1 ay ginugunita ang World Aids Day, at mahalagang kilalanin ang suliraning bitbit ng sakit na nabanggit—upang mabigyan ito ng aksyon at tapusin na ang stigma rito at diskriminasyon.

Ilang impormasyon patungkol sa HIV at AIDS

Ayon sa WHO, higit 44 milyong tao na sa kasalukuyan ang may HIV sa buong mundo. Noong 2024, umabot sa 40.8 milyon naman ang nabubuhay ng may ganitong kondisyon—kung saan 65% nito ay nagmula sa Africa.

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens



Ang HIV ay isang virus, na inaatake ang immune system ng “host” nito. Pinahihina ng HIV ang white blood cells ng biktima nito, hanggang sa bumagsak ang kaniyang immune system.

Ilan sa mga posibleng dahilan ng pagsalin ng HIV ay ang pakikipagtalik sa isang taong may HIV nang walang proteksyon at pagpasa ng body fluids ng isang HIV-carrier tulad ng kaniyang dugo, breast milk, “semen” at “vaginal fluid.” Maaari din itong maipasa sa paggamit ng karayom na ginamit ng isang HIV-carrier, o kaya naman ay ang panganganak ng isang inang may HIV, na pupuwedeng maipasa ang virus sa kaniyang sanggol.

Paglilinaw lamang na hindi naipapasa ang HIV sa pakikipaghalikan, pagyakap, pakikipagkamay, o pakikipag-share sa mga personal nitong kagamitan.

Kapag lumala, ang HIV ay magiging AIDS, na isang sakit na lubhang nakamamatay.

Ano ang PrEP at ano ang gampanin nito sa HIV/AIDS?

Ayon sa STD Hub, ang PrEP o pre-exposure prophylaxis ay isang “revolutionary tool” na ginagamit upang labanan ang risk ng HIV. Ang medikasyong ito ay para sa mga indibidwal na mayroong mataas na risk ng pagkakaroon ng HIV.

Ang PrEP ay pinapababa sa halos 99% ang risk ng HIV mula sa pakikipagtalik, lalo na kung gagamitan o dadagdagan pa ng ibang preventive measures tulad ng condoms.

Ayon pa sa STD Hub, mas mapoprotektahan ang isang tao kontra-HIV kung sabay nitong ginagamit ang PrEP at condoms.

“First and foremost, using condoms in conjunction with PrEP offers a dual layer of protection. While PrEP effectively lowers the risk of HIV transmission, condoms serve as a barrier that can prevent both HIV and other STIs, such as gonorrhea and chlamydia. This is particularly crucial because the presence of other STIs can increase susceptibility to HIV infection. Therefore, by combining PrEP with condom use, individuals can take a proactive approach to safeguarding their sexual health on multiple fronts,” saad ng STD Hub.

Dapat din daw ay “consistent” ang pag-inom ng PrEP, upang hindi magkaroon ng ‘di magandang epekto sa katawan.

“Moreover, it’s essential to recognize that while PrEP is highly effective when taken consistently, it is not infallible. Studies have shown that when taken as prescribed, PrEP can reduce the risk of getting HIV by over 90%. However, missed doses or inconsistent use can diminish its effectiveness. In such cases, relying solely on PrEP without the added protection of condoms may leave individuals vulnerable to infection. Therefore, consistent condom use acts as a safety net, providing peace of mind and an additional layer of security,” saad pa nila sa kanilang website.

Nilinaw din nila na hindi “substitute” ang PrEP sa condoms—at suhestiyon nila na sabay itong gamitin para maging mas protektado kontra HIV at AIDS.

Mababasa rin na tila magagamit ang PrEP upang mas maging aktibo ang isang tao sa pakikipagtalik. Ayon pa sa kanila, ang PrEP ay mapagdadala umano ng “liberation” sa “sexual activities” at “health” ng tao, ngunit nilinaw na raw ng ilang pag-aaral na mas nagiging “vigilant” ang mga tao sa tulong ng PrEP, na isa sa mga mabuting epekto nito.

Maituturing na isang “breakthrough” ang PrEP at condoms upang buwagin na ang stigma at diskriminasyong kinahaharap ng mga taong nabubuhay na may HIV, kung kaya’t mas mainam na magkaroon ng kaalaman ang lahat patungkol sa isyung ito.

Vincent Gutierrez/BALITA