December 22, 2025

Home BALITA

Ronnel Arambulo sa mga tutol na panagutin din ang mga Duterte: 'Wala tayong dapat sinuhin!'

Ronnel Arambulo sa mga tutol na panagutin din ang mga Duterte: 'Wala tayong dapat sinuhin!'

May paalala si Vice chairperson ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya Pilipinas at mangingisda na si Ronnel Arambulo hinggil sa mga panawagang bitbit ng ilan sa pagpapababa kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Vice President Sara Duterte sa puwesto.

“Wala tayong dapat sinuhin. Dahil kung magpapatalsik tayo ng kurap at ang ipapalit natin ay isa pang kurap katulad ni Sara Duterte, ay parang wala ring pinagbago,” saad ni Arambulo.

Si Arambulo ay tumakbo bilang pagkasenador noong Mayo 2025 sa ilalim ng Makabayan bloc. Kilala rin siya bilang kritiko ng gobyerno na sumasalag sa mga pahayag na hindi pumapabor sa masa.

Samantala, saad pa niya, pawang iisa lamang daw ang mukha nina PBBM at VP Sara pagdating sa korapsyon.

National

‘Paano ako magkakaroon ng insertions sa 2025?’ Ridon, bumwelta kay Leviste sa umano’y ₱150 milyong insertions sa DPWH

“Kaya sa mga kababayan natin, dapat malinaw sa atin na hindi natin mababago ang ating lipunan kung magpapalit lang tayo ng mga mukha pero yun din naman yung pagkatao. Malinaw na si Marcos at si Duterte ay pareho lamang sa korapsyon,” saad ni Arambulo.

Matatandaang taliwas sa mga panawagan ng ibang kritiko ng gobyerno, bitbit ng mga nakilahok sa Baha sa Luneta 2.0 na kapuwa mapababa na sa puwasto sina PBBM at VP Sara at saka magtayo ng isang komite o konseho na pamumunuan ng taumbayan.

Maki-balita: Liza Maza, binoldyak pagkakatatag ng ICI: 'Para pagtakpan lang ang Malacañang'