December 14, 2025

Home BALITA National

PBBM, dedma sa panawagang bumaba na sa puwesto—Palasyo

PBBM, dedma sa panawagang bumaba na sa puwesto—Palasyo
MB and Balita file photo

Nakatutok at tuloy pa rin sa pagtatrabaho si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. upang tugisin ang mga may sala sa korapsyon, sa gitna ng mga panawagang bumaba na siya sa puwesto, ayon sa Palasyo. 

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez, hindi raw madi-distract ang pangulo sa mga naturang panawagan. 

"Ang Presidente, ang ating Pangulo, hindi madi-distract sa mga ganyang panawagan. Meron siyang responsibilidad na dapat gampanan at ito ay tugusin yung mga may sala dito sa anti-corruption na ito at gagawin ng Pangulo natin 'yan," saad ni Gomenz sa kaniyang panayam sa DZMM nitong Linggo, Nobyembre 30.

"He will not be distracted. Although yung mga calls na 'yan, yung mga reklamo ng sambayanan, nararamdaman namin, naririnig namin sila. Alam naming galit sila, alam naming naiinip sila," dagdag pa niya.

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

"But this is what I can say: we hear you. We feel you and we will not disappoint you. The President will not disappoint you."

Samantala, sinabi rin ni Gomez na nakatutok si Marcos sa mga isinisagawang kilos-protesta ngayong Linggo.

“The President and the entire administration are monitoring the rallies. Kami in the government, we respect the people's right to peaceably assemble and express their anger and frustration over these flood control issues. Kaisa nila kami,” aniya sa kaniyang panayam sa ANC. 

Dagdag pa niya, "Ito (protest actions) ay parte ng kanilang freedom of speech. So kami patuloy lang nagmo-monitor at sana manatiling mapayapa ‘yung mga rally at maging vigilant lang tayo na bantayan natin ‘yung ating mga hanay sa mga may masamang balak na manggulo."