January 04, 2026

Home BALITA

#BalitaExclusives: Kiko Dee, ‘di pabor sa People's Transition Council

#BalitaExclusives: Kiko Dee, ‘di pabor sa People's Transition Council
Photo Courtesy: Ralph Mendoza/BALITA, PLM (FB)

Naghayag ng pananaw si Tindig Pilipinas co-convenor Kiko Dee kaugnay sa isinusulong na People’s Transition Council ng ilang grupo at indibidwal.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Dee nitong Linggo, Nobyembre 30, sinabi niyang tutol siya sa anomang hakbang na iluluklok ng isang unelected body.

Aniya, “Ako po ay tutol sa anomang hakbang na magluluklok sa kapangyarihan ng isang unelected na body kasi however well intended, mahalaga pa rin na bumabalik tayo sa taumbayan para sa ating mandato bilang nanunungkulan.”

“At hindi ko ‘yan nakikita sa panukalang People’s Transition Council,” dugtong pa ni Dee.

Korte Suprema nagpawalang-bisa ng kasal dahil sa ‘controlling,’ ‘demanding’ na misis

Bukod dito, nilinaw din niyang komportable siyang banggitin ang pangalan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang isa rin sa mga sangkot sa talamak na korupsiyon sa gobyerno.

“Ako very comfortable ako to say,” ani Dee. “Dinawit na nga si President Marcos dahil sa video ni Zaldy Co bagama’t kailangang imbestigahan o dumaan sa tamang proseso.”

Ito ay sa kabila ng alingasngas na nangngimi umano ang mga organisador ng Trillion Peso March na idawit ang pangulo sa isyu ng korupsiyon. 

Si Dee ay apo ng mga yumaong sina dating Pangulong Cory Aquino at dating Senador Ninoy Aquino.