December 12, 2025

Home BALITA

#BalitaExclusives: 'Bring him home!' Creators for Good Governance, pinatutsadahan 'humba issue' ni Harry Roque

#BalitaExclusives: 'Bring him home!' Creators for Good Governance, pinatutsadahan 'humba issue' ni Harry Roque
Photo courtesy: via BALITA

Nanguna sa pamimigay ng libreng humba at kanin ang grupong Creators for Good Governance sa ikinasang malawakang kilos-protesta ng Trillion Peso March Movement kasabay ang panawagan nilang pauwiin na sa bansa sina dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque. 

Ayon sa naging eksklusibong panayam ng Balita kay Joey Concepcion o mas kilala bilang Kagawad Joey sa kaniyang Tiktok nitong Linggo, Nobyembre 30, sinabi niyang nakiisa rin daw sila sa naturang kilos-protesta para isulong ang panawagang linisin ang gobyerno. 

“Creators for Good Governance kami. Nandito kami sa rally ngayon para makiisa sa panawagan ng malinis na gobyerno,” pagsisimula ni Joey.  

Dagdag pa niya, “Sa panawagan na… lahat ng korap at saka mga involve sa flood-control projects dapat ikulong.” 

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Ani Joey, kailangan na raw itigil ang korapsyon sa bansa dahil nauubos na nito ang kaban ng bayan. 

“No to corruption. Itigil na natin kasi masyado nang ubos ang kaban ng bayan sa kakakorap nila,” ‘ika niya. 

Pinuntirya pa ni Joey na kailangan na raw umanong pauwiin ng bansa si Roque at dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

“Itong dalawa na ito [Co at Roquez] dapat umuwi na dahil walang tigil sila sa pag-iingay ng destabilisasyon, panggugulo sa political climate ng Pilipinas, at sa pambubudol ng mga tao,” saad niya.  

Pagapapatuloy pa ni Joey, mula raw ang ideya nilang tawaging “humba ng pagkakaisa” ang pagbibigay ng pagkain sa mga tao sa naging isyu noon na pag-aaway ng mga Duterte supporter sa The Hague, Netherlands, kasama si Roque. 

“Kaya po namigay kami ngayon [ng humba] dahil alam namin na maraming gutom at maraming tao na kailangang ding kumain kaya ‘humba ng pagkakaisa,’” paliwanag niya. 

“‘Yon po talaga ang inspiration namin. ‘Yong humba ni Harry Roque at malapit na nga pong maubos, siguro baka dumating na si Harry Roque,” pagtatapos pa ni Joey. 

MAKI-BALITA: Duterte supporter, nilinaw isyu ng 'awayan' dahil sa humba

MAKI-BALITA: Harry Roque, nagsalita na sa bardagulan issue dahil sa 'humba'

Mc Vincent Mirabuna/Balita