December 12, 2025

Home SHOWBIZ

‘Yan ang mga dapat pinoprotektahan!' Vice Ganda, nawindang sa sahod ng private school teachers

‘Yan ang mga dapat pinoprotektahan!' Vice Ganda, nawindang sa sahod ng private school teachers
Photo Courtesy: ABS-CBN News (YT), via MB

Naghayag ng reaksiyon si Unkabogable Star Vice Ganda kaugnay sa sweldong natatanggap ng mga gurong nagtuturo sa pribadong paaralan.

Sa isang Facebook post ni Vice nitong Sabado, Nobyembre 29, mapapanood ang video clip mula sa “It’s Showtime” kung saan niya sinabing umaabot lang umano sa ₱10,000 ang sinasahod ng mga kaguruan sa private school batay sa nalaman niya kamakailan.

“Nagulat tayo kahapon….‘yong private school teachers pala 10,000 per month ang sweldo. So below minimum.  Sabi pa no’ng teacher, mababawasan pa ‘yon ng teaching materials na ginagamit namin,” saad ni Vice.

Dagdag pa niya, “‘Yan ang mga dapat nating pinaprotektahan. Kasi ‘pag naubos ang mga guro sa Pilipinas, ‘di ba? Kasi ‘pag naubos ang mga guro sa Pilipinas, aalis ‘yan ng bansa. Can you imagine a nation without teachers?”

Vivamax, ‘prostitution ring’ ng mga negosyante, politiko—Mon Tulfo

Hindi rin tuloy napigilan pang isingit ng Unkabogable Star ang tungkol sa nirekomendang ₱500 noche buena ng Department of Trade and Industry (DTI). 

“₱10,000 per month. Pero baka naman sumakto ‘yon. Sabagay ‘yong 500 puwede na raw sa noche buena. O, eh ‘di kayo!” dugtong pa ni Vice.

Matatandaang pinanindigan ni DTI Sec. Cristina Roque na sapat na umano ang ₱500 para makabili ng mga ihahanda sa Noche Buena sa naging panayam ng DZMM Teleradyo sa kaniya noong Huwebes, Nobyembre 27.

Maki-Balita: 'Depende sa dami ng miyembro ng pamilya!' DTI Sec. Roque, nagpaliwanag sa '₱500 Noche Buena'

Inirerekomendang balita