Kinumpirma ni award-winning Kapuso journalist Atom Araullo noong Biyernes, Nobyembre 28, na matagal na siyang “in a relationship.”
“Matagal na. How many years? See, we don’t even count, it’s been a while,” ani Araullo sa kaniyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda.”
Habang hindi inihayag ni Atom ang identidad ng kaniyang nobya, ibinahagi niyang public figure rin ito.
“I think people know, people on social media know. They see us often,” ani Atom.
Nang tanungin kung naiisip na ba nilang magpakasal, binanggit ng mamamahayag na natural na nila itong napag-uusapan ng nobya.
“That’s always in someone’s mind when they’re in a serious relationship. So definitely, it’s something that you think about, something that you’re ready for. But you know, I’m not setting a deadline or a timeline for it,” saad niya.
Sa nasabi ring panayam, inimbita ni Atom ang viewers na panoorin ang kaniyang dokumentaryo na “The Atom Araullo Specials” na magsisimula sa Linggo, Nobyembre 30.
Gayundin ang pagbili ng kauna-unahan niyang libro na “A View From The Ground” noong Setyembre, na inabot raw ng walong taon bago niya makumpleto.
Kung saan, ayon University of the Philippines Press, ang publisher ng kaniyang libro, ang “A View From The Ground” ay tumatalakay sa mga naratibo tungkol sa mga taong naninirahan sa laylayan ng lipunan.
Sa kaugnay na ulat, hula ng netizens na si Kapamilya journalist Zen Hernandez ang girlfriend ni Atom dahil sa ilang beses na nakitang magkasama sila.
Isa na rito ang naging pagdalo ni Zen sa naging book launch ni Atom.
“Atom is aware naman that I've always been supportive of his every endeavor in life, as he has been with me. So I am very, very happy that he was given this opportunity to actually, you know, put together some of his best stories," personal na mensahe ni Zen kay Atom.
Aniya pa, magkasama na sila noong nasa ABS-CBN pa si Atom, at mula pa raw noon, ramdam na nilang may adbokasiya nang pinaglalaban si Atom.
Isa pa sa nagpaigting ng spekulasyon ng netizens ay kay Atom at Zen ay nang maispatan silang magkasama sa Paris Olympics noong Agosto 2024.
Noon namang 2021 ay nakita na rin silang magkasama sa Balesin Island mula sa Instagram account ng kapwa journalist na si Pinky Webb.
Sa naging panayam ni Atom sa "KC After Hours” podcast ni Karmina Constantino noong Agosto 2024, habang tikom ang bibig kung sino ba talaga ang nobya niya, inilarawan ng mamamahayag kung ano ang nagustuhan niya rito.
“I like that she has her own dreams, her own life, her own career, and own priorities. And the reason why we work is because we support each other and we let each other grow. It’s best to have someone who understands my work,” aniya.
Sean Antonio/BALITA