December 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Stop disrespecting the working class!!' Benjamin Alves, pumalag sa ₱500 budget sa Noche Buena

'Stop disrespecting the working class!!' Benjamin Alves, pumalag sa ₱500 budget sa Noche Buena
Photo courtesy: Benjamin Alves (FB)/via MB

Isa sa mga celebrity na nagbigay ng direktang reaksiyon at komento tungkol sa ₱500 budget sa Noche Buena na sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) kamakailan ay si Kapuso actor Benjamin Alves.

Sa sunod-sunod na Facebook posts ni Alves, tila hindi raw niya matanggap na kailangang pagtipirin ang mga tao, lalo na ang "working class," para sa ihahanda nila sa Noche Buena, na isa sa mga hindi mawawalang tradisyon ng mga Pilipino sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan.

Matatandaang kinuyog ng netizens sa social media si DTI Sec. Cristina Aldeguer-Roque nang sabihin niyang kasya na ang nabanggit na halaga para makabili ng simpleng handang pagsasalu-saluhan ng pamilya, sa pagsapit ng Christmas Eve.

Nilinaw ni Roque nitong Biyernes, Nobyembre 28, na ang sinasabi niya ay pamilyang may apat na miyembro.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

"The Noche Buena celebration or Noche Buena handa will depend on the number of family members or even extended relatives that will be joining the Noche Buena celebration," aniya.

REAKSIYON NI BENJAMIN ALVES

Agad namang nagbigay ng kaniyang reaksiyon at komento tungkol dito ang Kapuso actor.

Aniya, "Kahit siguro ChatGPT di kakayanin irender yung 500 pesos noche buena na yan madame."

"Bakit niyo pinagtitipid ng 500 pesos yung mga Pinoy for their noche buena eh garapal nga mangurakot mga officials on a random Tuesday."

Aniya pa, ito raw ay "disrespect" pagdating sa working class.

"Magttrabaho ka at makikipagsapalaran sa commute, mag bubudget ka buwan-buwan, linggo linggo, maiiyak ka na kaiisip paano mo ba pakakasyahin pera mo. Only for them to say: sapat na yung kita mo for noche buena. WTF man. Stop disrespecting the working class!" aniya pa.

Nagbigay pa ng kaniyang suhestyon si Benjamin tungkol sa puwedeng gawin ng ahensya ng gobyerno patungkol sa problema.

"Instead of trying to fit 500 pesos for a noche buena, maybe try to figure out how you can lower the cost of food and living altogether for the Philippines. Subsidize the farmers, better transportation, MAYBE NO TAXES FOR 300 hundred fucking years.

I’m fully aware that I’m having crashout because of this."

Dagdag pa, "I say NO TAXES until the government can figure out a very public, very transparent, method of distributing our money."

Kaugnay na Balita: ₱500, sapat na pang-Noche Buena! –DTI