December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Sen. Bong Go, ninong nina Kiray at Stephan sa kasal; nagpayo tungkol sa buhay may-asawa

Sen. Bong Go, ninong nina Kiray at Stephan sa kasal; nagpayo tungkol sa buhay may-asawa
Photo Courtesy: Bong Go, Kiray Celis (FB)

Nagbigay ng payo si Sen. Bong Go sa newly wed couple na sina Kiray Celis at Stephan Estophia na kapuwa niya inaanak sa kasal.

Sa isang Facebook post ni Go noong Biyernes, Nobyembre 28, mapapanood ang video kung saan kasama niya sina Kiray at Stephan.

“Ang importante diyan, unang buwan o taon ng inyong pagsasama, i-treasure n'yo talaga. Kasi 'pag may anak na kayo, 'yon na 'yong magba-bond sa inyo. Ibang samahan na 'yon,” saad ni Go.

Dagdag pa niya, “Importante ngayon, make the most out of it habang kakasal n'yo. Mas masarap sa pakiramdam. Talagang excited si Kiray. So happy po sa inyong dalawa. Congratulations and God bless.”

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

Matatandaang sa social meda accounts ni Kiray noong Nobyembre 23 ay ibinahagi niya ang serye ng mga larawan na kuha sa isang beach kung saan sila ikinasal.

Inalok ni Stephan si Kiray na magpakasal noong Abril. Nagsimulang mag-date ang dalawa noong 2019 bagama't matagal nang magkakilala dahil kaibigan ni Stephan ang kapatid ni Kiray.

Maki-Balita: Kiray, ikinasal na sa non-showbiz boyfriend!