Naglabas ng pahayag si Sen. Bong Go kaugnay sa pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa apelang interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang Facebook post ni Go nitong Sabado, Nobyembre 29, sinabi niyang bagama’t nalulungkot, ginagalang niya ang desisyon ng ICC at pinagkakatiwalaan ang buong proseso nito.
“It is with utmost sadness that former President Rodrigo Duterte's appeal for interim release has been denied. Nevertheless, we respect the decision and trust the whole process,” saad ni Go.
Dagdag pa niya, “Nakakalungkot man ang desisyong ito, patuloy tayong naniniwala na ang katotohanan at katarungan ang mananaig sa huli.”
Kaya naman pinaalala ng senador na manatiling kalma, matatag, at iwasan ang anomang pagkakawatak-watak ng bawat isa.
“Let us continue showing support for FPRRD in ways that uphold peace and respect,” dugtong pa ni Go.
Matatandaang bago pa man maging senador, mahabang panahong nagsilbi si Go bilang personal aide ni Duterte noong kongresista at mayor pa lang sa Davao ang huli.
Hanggang sa maging special assitant siya nito mula 2016 hanggang 2018.
Maki-Balita: Apelang interim release ni FPRRD, ibinasura ng ICC