Nagbabala si Department of National Defense (DND) Sec. Gilberto Teodoro Jr. na maaaring hulihin at makasuhan ang mga raliyistang mananawagan ng “government reset” sa gaganaping malawakang demonstrasyon kontra-katiwalian sa darating na Linggo, Nobyembre 30.
“That’s totally illegal. That’s inciting to sedition. What you cannot do directly, you cannot do indirectly in the law. So, when you say, ‘withdrawal of support’ it’s an indirect way of saying ‘I’ll take over’ which is illegal,” saad ni Teodoro sa kaniyang panayam sa media noong Biyernes, Nobyembre 28.
Binanggit din niya sa media na posibleng may motibo ang mga nananawagan ng ‘government reset,’ dahil iba pa raw ito sa panawagan sa pananagutan at kalinawan.
“May motibo ‘yong mga ‘yon. If you’re pushing for accountability and transparency, you’ll push for justice. A ‘reset’ is something else,” saad ni Teodoro.
Kaya nilinaw ng Kalihim na hindi maituturing na ‘destabilizing’ ng pamahalaan ang pagpapahayag ng sama ng loob at panawagan sa hustisya at pananagutan.
“The airing out or voicing out of outrage over anomalies is not destabilizing,” saad ni Teodoro.
Sa kaugnay na ulat, nauna nang magbabala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla noong Nobyembre 17 na paiimbestigahan ng pamahalaan ang mga raliyistang nanawagan ng “Marcos Resign” at pagkalas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamahalaan.
“That’s close to inciting to sedition, so i-investigate namin sila. [Ang] mga ganitong salita has no place in a civil society,” paninindigan ni Remulla.
Binanggit din niyang sa pagkakaroon ng kalayaan sa pagpapahayag, mahalagang tandaan ng mga mamamayan na may kaakibat itong responsibilidad.
“Freedom of expression comes with a sense of responsibility, so calling an active citizen is not pertaining, it's dangerous to the state. So ‘yong mga ganiyan, every citizen is accorded the right to free speech, but they must have the corresponding responsibility to behave in all civility,” ani Remulla.
MAKI-BALITA: ‘Inciting to sedition?’ DILG Sec. Remulla, paiimbestigahan panawagang ‘Marcos Resign’
Sa darating na Nobyembre 30, inaasahang 300,000 katao ang dadalo sa mawakang kilos-protesta kontra-katiwalian na “Trillion Peso March Movement.”
Bilang paghahanda at proteksyon ng mga mamamayan, magpapadala ng 15,097 kapulisan ang Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
MAKI-BALITA: 300k katao inaasahang dadalo sa ‘Trillion Peso Movement’ sa Nov. 30; higit 15k kapulisan, ipapakalat
KAUGNAY NA BALITA: Higit 80 simbahan, suportado ang 'Trillion Peso March Movement'- Caritas
Sean Antonio/BALITA