Nagbabu na bilang houseamtes sina Kapamilya actress Eliza Borromeo at Kapuso Sparkle artist Marco Masa sa loob ng Bahay ni Kuya sa ikalang eviction night.
Sa latest episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0” nitong Sabado, Nobyembre 29, lumabas ang resulta na sina Eliza at Marco ang nakakuha ng pinakamababang porsiyento ng boto sa mga nominadong housemate.
Nakakuha si Marco ng 14.85% habang 24.19% naman ang kay Eliza. Samantala, ang mga nakaligtas naman sa eviction ay sina Anton Vinzon, Heath Jornales, Carmelle Collado, at Krystal Mejes.
“Medyo overwhelmed ako ngayon. Iniisip ko lang na sana kung nakita ng tao 'yong gusto kong iparating sa kanila. It's overwhelming talaga,” saad ni Marco nang sumalang sa after live kuwentuhan ng PBB: Celebrity Collab Edtion 2.0 Online Verse.
Ayon naman kay Eliza, bagama’t alam na niyang siya ang lalabas sa Bahay ni Kuya, hindi pa rin umano nagsi-sync in sa kaniya ang nangyari.
“Di pa po talaga nagsi-sync in sa akin 'yong nangyari po ngayon.Pero lagi ko naman pong sinasabi kina Krystal at Carmelle na ako po 'yong lalabas,” aniya.
Dagdag pa niya, “Pero 'yong time po na natira sa amin hindi pa po talaga siya enough para maparamdam ko sa kanila kung gaano sila kaimporntante sa akin.”
Matatandaang sina Kapamilya actress Reich Alim at Kapuso Sparkle artist Waynona Collings naman ang lumabas noong Nobyembre 15 sa Bahay ni Kuya.
Maki-Balita: Waynona, Reich umexit na sa Bahay ni Kuya!