December 13, 2025

Home BALITA National

'Borderline inhumane!' Cong. Omar Duterte, dismayado sa desisyon ng ICC sa interim release ng lolo niya

'Borderline inhumane!' Cong. Omar Duterte, dismayado sa desisyon ng ICC sa interim release ng lolo niya
Photo courtesy: Screenshot from Omar Duterte (FB)/MB

Nagpahayag ng matinding pagkadismaya si Davao 2nd District Rep. Omar Duterte matapos ibasura ng International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber ang hiling na interim release para sa lolo niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, nitong Biyernes, Nobyembre 29, 2025, sa The Hague, Netherlands.

Ayon sa Facebook post ni Cong. Duterte, sa kaparehong araw, umasa umano silang ikokonsidera ng ICC ang makataong aspeto ng kalagayan ng dating pangulo.

“We had hoped the humanitarian side of his situation would be considered,” aniya.

Dagdag pa niya, hindi umano banta sa sinuman si dating Pangulong Duterte at hindi rin ito flight risk.

National

PBBM, ibinida bagong Banago Port sa Bacolod City!

“My grandfather is neither a danger to anyone nor a flight risk. He uses a cane to walk. His medical record is known,” sabi pa ng mambabatas.

Inamin ng anak ni Davao 1st District Rep. Paolo "Pulong" Duterte na unang pumasok sa isip niya ang pagkagulat nang matanggap ang balita, ngunit kalaunan ay nanaig ang matinding kalungkutan.

Sa mensahe niyang tila patama sa mga taong nasa likod ng nagpadala sa dating pangulo sa The Hague, hindi niya itinago ang hinanakit. Inilarawan pa niya ang naramdaman bilang "borderline inhumane."

“I hope those responsible reflect on what they have done. I hope they are satisfied with their choice — but to us, this decision feels borderline inhumane,” mariing pahayag niya.

Sa kabila ng mabigat na desisyon, taos-puso namang nagpasalamat si Cong. Duterte sa mga Pilipinong patuloy na sumusuporta sa kanilang pamilya.

“Your continued love and support for PRRD strengthen my resolve. Your faith fuels my desire to keep fighting for our country and for justice,” ani niya.

Patuloy namang nakaabang ang publiko sa susunod na mga hakbang ng kampo Duterte, habang nananatiling mainit ang usapin kaugnay sa kaso ng dating pangulo sa ICC.