December 14, 2025

Home BALITA Probinsya

‘Anti-lesbian, gay' policy sa Maguindanao del Sur, paiimbestigahan ng CHR!

‘Anti-lesbian, gay' policy sa Maguindanao del Sur, paiimbestigahan ng CHR!
Photo courtesy: via MB, Pexels

Iniimbestigahan ngayon ng Commission on Human Rights (CHR) ang umano’y diskriminatoryong patakaran na ipinatutupad laban sa mga taong pinaghihinalaang lesbiyana o gay sa isang barangay sa Maguindanao del Sur.

Nagpahayag ng pag-aalala ang CHR hinggil sa ulat na pagpapatupad ng tinatawag na “Operation Supak” sa Barangay Layog sa bayan ng Pagalungan, na umano’y nakatuon laban sa mga miyembro ng LGBTQIA – lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex at asexual – community.

Batay sa mga ulat ng lokal na media, sinabi ng CHR na personal umanong binisita ng barangay officials ang mga tahanan ng mga indibidwal na pinaniniwalaang lesbiyana o gay.

“They were reportedly compelled to report to the barangay hall. Same-sex adult couples living together were forcibly separated. A barangay official said the couples’ are violating the law and the teachings of Islam,” anang CHR.

Probinsya

Unang fully air-conditioned public school, bukas na sa San Pedro, Laguna

Dagdag pa ng CHR, “Actions of this nature violate the dignity and rights of LGBTQIA people. The alleged acts unlawfully target individuals based on perceived sexual orientation.”

Ayon sa CHR, ang mga kasapi ng LGBTQIA community ay nakaranas ng harassment at diskriminasyon, at nalabag ang kanilang karapatan sa privacy at seguridad.

Sinabi ng komisyon na maaaring paglabag ito sa mga garantiyang nakasaad sa Konstitusyon at sa mga internasyonal na pamantayan sa karapatang pantao, kabilang ang equal protection, non-discrimination, privacy, at kalayaan mula sa arbitrary interference.

Bagama’t mahalaga ang kalayaan sa relihiyon, iginiit ng CHR na hindi ito maaaring gamiting batayan upang bigyang-katwiran ang mga aksyon ng mga opisyal ng gobyerno, lalo na kung ginagamit ang pondo at pasilidad ng pamahalaan upang targetin ang mga indibidwal dahil lamang sa kanilang perceived sexual orientation.

“Domestically, the targeting of perceived lesbian and gay couples has no legal basis. There is no Philippine law that prohibits women from living with women, or men from living with men,” giit ng CHR.

Tiniyak ng CHR na ang imbestigasyon ay isasagawa sa koordinasyon ng Bangsamoro Human Rights Commission.

Hinimok din ng komisyon ang Presidential Special Committee on LGBTQIA+ Affairs na tiyakin ang mas matibay na inter-agency collaboration sa pagbibigay ng proteksyon at suporta sa mga kasapi ng LGBTQIA community.