Nagngingitngit sa social media ang aktres-politician na si Aiko Melendez matapos lumabas ang pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na posibleng makabuo umano ng Noche Buena package sa halagang ₱500.
Matatandaang kinuyog ng netizens sa social media si DTI Sec. Cristina Aldeguer-Roque nang sabihin niyang kasya na ang nabanggit na halaga para makabili ng simpleng handang pagsasalu-saluhan ng pamilya, sa pagsapit ng Christmas Eve.
Nilinaw ni Roque nitong Biyernes, Nobyembre 28, na ang sinasabi niya ay pamilyang may apat na miyembro.
"The Noche Buena celebration or Noche Buena handa will depend on the number of family members or even extended relatives that will be joining the Noche Buena celebration," aniya.
Sa Facebook post naman ni Aiko, tila hindi na napigilan ni Aiko ang panggigigil.
“₱500 Noche Buena package?!!! Saan po makakabili niyan? Wag n’yo pong insultuhin ang mga Pilipino. Naku po. Queso de Bola? Holen size po ba ito?” mababasa sa post niya.
Photo courtesy: Screenshot from Aiko Melendez/FB
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens, na mababasa naman sa comment section ng post.
"Pa 500 noche buena challenge nga kayo dyan sa Dti"
"Mg bilo bilo n lng pang noche buena."
"Ano po foreign mindset but the reality currency peso (500)"
"FOOD CONTROL daw po ma'am hahaha"
"Tama po. Nakakainis may patawa tawa pa habang nag eexplain. Na para bang ginagawang tanga mga Pilipino ni Usec DTI at Ante Kler."
Kaugnay na Balita: ₱500, sapat na pang-Noche Buena! –DTI