December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Aifha Medina, pinabulaanang nagkarelasyon sila ni Derek Ramsay

Aifha Medina, pinabulaanang nagkarelasyon sila ni Derek Ramsay
Photo Courtesy: Aifha Media (IG), via MB

Tinuldukan na ni Sexbomb Girls member Aifha Medina ang isyu ng pagkakaugnay niya sa aktor na si Derek Ramsay.

Sa isang episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, naitanong kay Aifha kung sino ang na-link sa kaniya n hindi naman pala totoo. 

“Na-link sa akin? Parang si Derek. ‘Yon po ‘yong hindi talaga totoo. As in never pa po kaming nagkita, until now, nang harapan, nang personal,” saad niya

Sa kasalukuyan, kasal na si Aifha sa mister niyang negosyante na si Giovanni Cheng at may tatlo na silang anak. Nauunawaan naman umano nito ang mundong ginagalawan niya laging may kaakibat na isyu at intriga.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Sa katunayan, nagagawa pa nga raw nilang pag-usapan ang tungkol sa kaniyang mga past relationship.

Paliwanag niya, “Kasi ang point niya po is past na po ‘yon, e. [...] Hindi po siya ma-showbiz na tao. Hindi rin po niya ako binabawalang mag-showbiz..”

Samantala, humaharap naman ngayon sa krisis ang relasyon ni Derek sa misis niyang si Ellen Adarna.

Matatandaang kamakailan lang ay isiniwalat ni Ellen ang umano’y pangangaliwa ni Derek sa pamamagitan ng Instagram stories na pinabulaanan din naman ng huli.

"I didn't cheat. Never!!!" sagot ni Derek nang tanungin ng netizen kung anong nangyayari sa kanila ni Ellen, batay sa mababasang conversation.

Maki-Balita: 'I didn't cheat, never' sey ni Derek; react ni Ellen, 'Push mo 'yan, ako pa ginawang liar!'

Kaugnay na Balita: 'Nanahimik ka na lang sana!' Ellen, nagpasabog ng mga resibo sa umano'y cheating ni Derek