Pumirma na ng kontrata ang TV host na si Willie Revillame para sa bago niyang TV channel na “WilTV” kasama ang MediaQuest Ventures at Cignal.
Ayon sa mga ulat nitong Biyernes, Nobyembre 28, layunin ng “WilTV” na magbigay ng saya, aliw, at suportado para sa mas malaking bilang ng mga manonood.
Isa sa mga aabangan sa nasabing TV channel ay ang game show na “Wilyonaryo.”
Nauna nang naglabas ng video teaser kamakailan ang Facebook page na “Wowowin” para sa nasabing upcoming game show.
Mababasa sa caption ng post, "Sa bawat letra at kulay, may swerteng magpapabago ng buhay!"
"ARAW-ARAW may magiging milyonaryo sa WILYONARYO!" dugtong pa rito.
Matatandaang naging kontrobersiyal ang pagbabalik ni Willie bilang host ng programang “Wil To Win” dahil sa madalas na panenermon niya rito on-air.
KAUGNAY NA BALITA: Co-hosts ni Willie unti-unting nalalagas sa Wil To Win, nangangamoy-reformat?