December 13, 2025

Home BALITA

'Wala na 'to!' Padilla, nalungkot sa pagbasura ng ICC sa interim release ni FPRRD

'Wala na 'to!' Padilla, nalungkot sa pagbasura ng ICC sa interim release ni FPRRD
Photo Courtesy: Robin Padilla (FB), via MB

Naghayag ng damdamin si Senador Robin Padilla kaugnay sa naging pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa inapelang interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng media kay Padilla nitong Biyernes, Nobyembre 28, sinabi niyang malungkot siya sa naging desisyon ng korte sa dating pangulo.

Aniya, "Malungkot siyempre. Kasi tagal kong inantay 'yon, e. Nakatutok nga ako sa TV kanina, e. Kaya nga ako umalis sa plenary sandali.”

“Pero no'ng nagbabasa na 'yong judge, sinasabi na niya 'yong mga merits, sabi ko sa aking lawyer, wala na 'to. Malungkot na 'to. Depressed,” dugtong pa ni Padilla.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Sa isinagawang pagdinig ng ICC Appeals Chamber nito ring Biyernes, tatlong apela ng kampo ni Duterte ang ibinasura nito, dahilan upang patuloy ang pagkakakulong ni Duterte sa The Hague, Netherlands. 

“The appeals chamber unanimously confirms the impugned decision,” saad ni Presiding Judge Luz Del Carmen Ibañez.

Samantala, tinatanggap naman ng pamilya ng dating Pangulo at ng National Union of Peoples’ Lawyers NULP—tumatayong counsel ng war on drugs victims—ang hatol na ito ng ICC. 

Maki-Balita: Apelang interim release ni FPRRD, ibinasura ng ICC

Maki-Balita: Pamilya Duterte, tanggap ang pag-reject ng ICC sa interim release ni FPRRD

Kasalukuyang nakapiit sa The Hague, Netherlands si Duterte dahil sa kasong crimes against humanity.

Maki-Balita: Counsel ng war on drugs victims, tinatanggap pagbasura ng ICC sa interim release ni FPRRD