Suhestiyon ni dating Senador Antonio "Sonny" Trillanes IV sa mga leader ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang paasahin ang mga supporter nila dahil aniya hindi na raw makakalaya ang dating pangulo.
Ipinahayag ito ni Trillanes matapos ibasura ng International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber ang inihaing interim release ni Duterte nitong Biyernes, Nobyembre 28.
Maki-Balita: Apelang interim release ni FPRRD, ibinasura ng ICC
"Ngayon na natuldukan na 'yang interim release na 'yan, sana ay 'wag nang magpaasa ang leaders ng Duterte camp sa mga supporter nila," ani Trillanes.
"'Di na makakalaya si Duterte bilang kabayaran sa libu-libong Pilipinong pinapatay niya," giit pa niya.
Samantala, naglabas din ng pahayag ang Pamilya Duterte kaugnay sa pagkakabasura ng interim release.
Maki-Balita: Pamilya Duterte, tanggap ang pag-reject ng ICC sa interim release ni FPRRD
Nirerespeto naman ng Palasyo ang naturang desisyon ng ICC sa pamamagitan ni PCO Usec. Claire Castro.