Isang maikling komento ang inilabas ng Palasyo hinggil sa pagkakabasura ng mosyong interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
“The International Criminal Court has already made its decision, and the Palace respects it” ani Palace Communication Undersecretary Claire Castro sa media, ilang minuto matapos ilabas ang desisyon ng ICC nitong Huwebes Nobyembre 28, 2025.
Tatlong apela ang ibinasura ng ICC at saka unanimously na hindi pinayagang pansamantalang makalabas mula sa ICC detention center si Duterte.
Matatandaang minsan na ring ibinasura ng ICC Pre Trial Chamber I ang hiling na interim release ng kampo ni dating Pangulong Duterte bunsod umano ng “humanitarian reasons.”
KAUGNAY NA BALITA: 'Rejected!' 'Humanitarian reasons para sa interim release ni FPRRD, 'di pinayagan ng ICC
Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICCsi Duterte bunsod ng reklamong crimes against humanity bunsod ng kaniyang naging madugong kampanya kontra droga.
KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD