December 13, 2025

Home SHOWBIZ

'Tambalang ShuMan?' Netizens, inintrigang bagay rin sina Shuvee at Eman

'Tambalang ShuMan?' Netizens, inintrigang bagay rin sina Shuvee at Eman
Photo courtesy: Shuvee Etrata (TikTok)

Tila nakitaan ng chemistry ng netizens ang dalawang GMA Sparkle artist na sina Shuvee Etrata at Eman Bacosa Pacquiao. 

Pinag-ugatan nito ang video na inupload ni Shuvee sa kaniyang TikTok account noong Huwebes, Nobyembre 27, kung saan makikitang kasama niya si Eman. 

Photo courtesy: Shuvee Etrata (TikTok)

Photo courtesy: Shuvee Etrata (TikTok)

Dahil dito, hindi napigilan ng mga sumubaybay kay Eman at Shuvee na magbahagi ng kanilang samo’t saring rekasyon. 

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Anila, makikitaan din daw ng potensyal na bagay ang dalawang Sparkle artist na maging tandem. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang post ni Shuvee:

“Hindi kaya nagseselos ung girlfriend nya” 

“Teka lang shuvee..inunahan mo si Jillian Ward wala pa silang entry ni Emman” 

“Tall dark and knockout” 

“Ate sumayaw lang kayo bat biglang may chemistry na?!!”

“Mas bagay kayo ” 

“Shuvee magic, lahat may chemistry pag kay Shuvee tinabi.” 

“Ito na po ba si Anthony? Ngayon lang nakapag online.” 

“Teka bakit bagay din kayo” 

“GRABE ANG LAF KO SA SHUMAN” 

Bago nito, matatandaang ding opisyal nang nagkita sa personal sina Eman at kamakailang inispluk na natitipuhan niyang Kapuso Star at aktres na si Jillian Ward.

MAKI-BALITA: Eman, Jillian nagkadaupang-palad at nagkayapusan!

Ayon sa videong ibinahagi sa publiko ng Sparkle GMA Artist Center sa kanilang Facebook page noong Lunes, Nobyembre 24, makikita sopresang paglabas ni Eman para batiin si Jillian sa ginanap na premiere night ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) Gabi Ng Lagim The Movie.

Sa naturang video, makikita ang pakikipag-daupang-palad at pagyakap ni Eman kay Jillian na siya namang kinakiligan ng mga taong nakakita dito.

MAKI-BALITA: 'Susunod na Jinkee?' Eman Bacosa, type si Jillian Ward!

MAKI-BALITA: ‘I hope to see you soon too!' Jillian Ward, bet ding ma-meet si Eman Bacosa

Mc Vincent Mirabuna/Balita