December 13, 2025

Home BALITA National

Rep. Ridon sa ₱500 pang-Noche Buena ng DTI: 'Sa anong planeta kasya yan?'

Rep. Ridon sa ₱500 pang-Noche Buena ng DTI: 'Sa anong planeta kasya yan?'
MB FILE PHOTOS

Kinuwestiyon ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI)  Sec. Cristina Roque na sapat na ang ₱500 para makabili ang mga Pinoy ng mga ihahanda sa Noche Buena.

Kasunod ito ng naging pahayag ni Roque noong Huwebes, Nobyembre 27, na puwede na ang ₱500 para "makabili ng ham, makagawa ng macaroni salad at spaghetti."

Maki-Balita: ₱500, sapat na pang-Noche Buena! –DTI

"Sa anong planeta kasya yung P500 para sa Noche Buena ng pamilyang Pilipino?" saad ni Ridon sa isang pahayag nitong Biyernes, Nobyembre 28. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Patutsada pa niya, hindi raw ito unang beses na iginigiit ng DTI na sapat na ang ₱500 budget para sa isang ordinaryong pamilya.

"Hindi ito ang unang beses na iginigiit ng Department of Trade and Industry na sapat ang ₱500 para sa Noche Buena ng isang ordinaryong pamilya. Nagawa na nila ito noon; ang kaibahan lang ngayon, mismong si DTI Secretary Cristina Roque na ang nagsasabing ayos at sapat na ito," anang mambabatas.

"Pero alam natin ang itsura ng totoong Noche Buena sa hapag ng pamilyang Pilipino: may spaghetti, may keso, at minsan may hamon kung may sapat na ipon para sa pagdiriwang ng Pasko," dagdag pa niya.

"Higit pa, wala namang nagsasabing kailangang pagkasyahin sa P500 ang budget para sa Noche Buena. Ang mas mahalaga sa mga Pilipino ay ang pagtitiyak ng gobyernong mananatiling mababa at abot-kaya ang presyo ng mga sangkap at pangangailangan para sa pagdiriwang ng Pasko," pagtatapos ni Ridon.