Nasa Pilipinas na ang pericardium heart relic ng tinaguriang “Millennial Saint” na si St. Carlo Acutis.
Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), noong Huwebes Nobyembre 28, 2025, dumating sa bansa ang naturang relic para sa 18 araw na paglilibot nito sa 30 mga simbahan.
“That’s the invitation from St. Carlo Acutis as we begin the pilgrimage with [his] pericardium heart relic,” ani Msgr. Anthony Figueiredo ng Dioceses of Assisi.
Dagdag pa niya, “For the Philippines, we say: pray for us, pray for this pilgrimage.”
Nitong Biyernes, Nobyembre 28 ang unang araw ng paglilibot sa naturang heart relic na magsisimula sa Minor Basilica of the Immaculate Concepcion sa Malolos at San Roque Cathedral sa Caloocan City.
Nakatakda naman itong magtapos sa Disyembre 15 sa Catholic Social Media Summit sa Paius XII Catholic Center sa Disyembre 15.
Matatandaang kabilang si St. Carlo Acutis sa mga bagong santong kinilala ng Simbahang Katolika noong Setyembre 7.
Kung babalikan: Noong Mayo 23, 2024, binigyang-pagkilala ni Pope Francis ang himalang nagawa umano ni Acutis, dahilan kaya’t kinilala siya bilang kauna-unahang millennial saint.
Pumanaw si Acutis noong Oktubre 12, 2006 sa Monza, Italy, sa edad na 15 dahil daw sa sakit na leukemia.
KAUGNAY NA BALITA: Carlo Acutis at Pier Giorgio Frassati, mga santo ng makabagong panahon