December 16, 2025

Home BALITA Probinsya

Paslit, natagpuang patay sa creek; ginilitan daw 8 taong gulang na pinsan?

Paslit, natagpuang patay sa creek; ginilitan daw 8 taong gulang na pinsan?

Palutang-lutang na sa creek nang matagpuan ang katawan ng isang limang taong gulang na bata sa Barangay Capio-an, Argao, Cebu noong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 26 2025.

Ang biktima, may sugat sa bahagi ng kaniyang tainga at leeg, na hinihinalang kagagawan umano ng kaniyang walong taong gulang na pinsan.

Ayon sa Argao Municipal Police Station, noong Miyerkules din nang huling makitang buhay ang biktima. Sinasabing nagpaalam daw ito sa kaniyang ina na mangunguha lamang umano ng hipon kasama ang kaniyang pinsan.

Laking gulat umano ng ina ng biktima na tanging ang pinsan na lang nito ang nakabalik mula sa naturang creek. Nang tanungin niya ang bata, iginiit nitong nagpaiwan lamang daw ang biktima. Subalit hindi na raw nila natagpuan ang biktima nang balikan nila ito sa creek.

Probinsya

Pulis, namaril ng sundalo sa Zamboanga City; love triangle daw?

Doon na raw nagpasya ang ina ng biktima na humingi ng tulong sa mga awtoridad at kapit-bahay upang mahanap ang kaniyang anak.

Nang madiskubre ang tila pagkakagilit sa leeg ng biktima agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa suspek na pinsan. Paliwanag niya, nagpakamot umano siya ng likod sa biktima ngunit sa halip na kamutin, pinagsisipa umano siya nito.

Doon na raw nagalit ang bata at saka sinampal ang biktima. Aminado umano ang pinsan ng biktima na hindi niya raw napansin ang matulis na bagay na hawak niya na siyang tumama sa tenga at leeg nito.

Depensa pa ng batang suspek, buhay pa umano at umiiyak ang biktima nang iwanan niya ito malapit sa creek.

Nasa kustodiya na ng Department of Social and Welfare Development (DSWD) ang batang suspek para sa stress debriefing.