Inilabas na ng Manila Police District (MPD) ang listahan ng road closures at rerouting ng mga sasakyan bilang paghahanda sa malawakang “Trillion Peso March Movement” sa Linggo, Nobyembre 30.
Sa report ng MPD sa kanilang Facebook page nitong Biyernes, Nobyembre 28, narito ang listahan ng mga kalsadang isasara sa Nobyembre 30 simula 12:01 AM.
Narito naman ang rerouting or mga alternatibong kalsada na puwedeng daanan ng mga sasakyan sa darating na Nobyembre 30.
Sa kaugnay na balita, ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson at PBGen. Randulf Tuaño, gaganapin ang “Trillion Peso March Movement” sa kahabaan ng White Plains Temple Drive, mula 6:00 AM hanggang 6:00 PM.
Inaasahan din na 300,000 raliyista ang dadalo habang 15,097 kapulisan ang ipapadala rito.
Simula naman daw Nobyembre 28, nakataas na ang “full alert” status ng PNP bilang parte ng paghahanda sa malawakang demonstrasyon kontra-katiwalian.
MAKI-BALITA: 300k katao inaasahang dadalo sa ‘Trillion Peso Movement’ sa Nov. 30; higit 15k kapulisan, ipapakalat
Sean Antonio/BALITA