December 13, 2025

Home BALITA

'Migration' ng lahat ng '3rd world countries' sa US, ipagbabawal na ni US President Trump

'Migration' ng lahat ng '3rd world countries' sa US, ipagbabawal na ni US President Trump
Photo courtesy: via AP News

Nagbanta si US President Donald Trump na ipagbabawal na raw niya ang migrasyon ng lahat ng magmumula sa third world countries patungong Amerika.

Sa kaniyang commentary social media platform na "Trum Truth Social Posts" nitong Biyernes, Nobyembre 28, 2025 (araw sa Pilipinas), inihayag ni Trump ang kaniya umanong balak.

"I will permanently pause migration from all Third World Countries to allow the U.S. system to fully recover..." saad ni Trump, kasabay ng pagdiriwang ng taunang selebrasyon ng Thanksgiving sa Amerika.

Nagbanta rin si Trump na ipapa-denaturalize niya raw ang sinomang migranteng banta sa seguridad ng kanilang bansa at hindi akmang makisabay sa western civilization.

'Di kami namimilit!' Mga Duterte, nananatili hangga't gusto ng tao—FPRRD

"[I will] denaturalize migrants who undermine domestic tranquility, and deport any Foreign National who is a public charge, security risk, or non-compatible with Western Civilization," anang US President.

Ani Trump, pawang "reverse migration" lamang daw ang solusyon sa umano'y mga ilegal na migranteng nananatili sa kanilang bansa.

"Only REVERSE MIGRATION can fully cure this situation. Other than that, HAPPY THANKSGIVING TO ALL, except those that hate, steal, murder, and destroy everything that America stands for — You won’t be here for long!" giit ni Trump.

Inanunsyo ni Trump ang naturang mga pahayag kasunod ng pagbaril sa dalawang national guards malapit sa Washington kung saan isa ang kumpirmadong nasawi.

Ayon sa ulat ng AP News, isang Afghan national ang itinuturong suspek sa nasabing pamamaril. Sinasabing nag-emigrate sa Amerika ang suspek matapos siyang maging kwalipikado nang tumulong siya sa tropa ng US army mula sa Afghanistan.

KAUGNAY NA BALITA: 2 national guard sa Washington, kritikal sa pamamaril; White House, napilitang mag-lockdown