December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Ka-love team ni Jillian, hinamon ng sparring si Eman

Ka-love team ni Jillian, hinamon ng sparring si Eman
Photo Courtesy: Raheel Bhyria, Jillian Ward,GMA Network (IG)

Hinamon ng ka-love team ni Kapuso Sparkle artist Jillian Ward na si Raheel Bhyria ang anak ni Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao na si Eman Bacosa ng sparring.

Sa Instagram story ni Raheel kamakailan, ni-repost niya ang kauna-unahang pagkikita nina Jillian at Eman sa ginanap na premiere night ng "Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) Gabi Ng Lagim The Movie."

Maki-Balita: Eman, Jillian nagkadaupang-palad at nagkayapusan!

“Hahahaa sana magkita din tayo soon idol [Eman],” saad ni Raheel sa caption.

Lee Victor, Iñigo Jose nagbabu na sa Bahay ni Kuya

Bukod dito, nag-iwan din siya ng komento sa contract signing video ni Eman sa Sparkle GMA Artist Center.

Aniya, “Sparring idol [Eman].”

Tanging boxing gloves na emoji lang ang ni-reply ni Eman sa komento ng ka-love team ni Jilian. Hindi pa malinaw kung senyales na ba ito ng pagkasa niya sa hamon ni Raheel. 

Pero tila magiging exciting at kaabang-abang ito sa fans kung sakaling matuloy.

Matatandaang walang pakiyemeng inamin ni  Eman na si Jillian ang artistang Pinay na crush niya nang sumalang siya sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

Maki-Balita: 'Susunod na Jinkee?' Eman Bacosa, type si Jillian Ward!

Samantala, unang nakatambal ni Raheel si Jillian nang makatrabaho niya ang huli sa drama series ng GMA na “Abot-Kamay na Pangarap” noong 2022.